Advertisers

Advertisers

‘Bangag’ na Presidente, at ang ‘secret bank accounts’ ng Dutertes

0 6,792

Advertisers

MULING binira ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte sa kanyang talumpati sa kanilang pagtitipon si Pangulong “Bongbong” Marcos noong Huwebes, Pebrero 13.

Banat ni Digong: “Mayroong isang presidente na talagang bangag. Hindi naman buwang, pero yung bisyo ng droga, long term ‘yan. Maging ulol si Marcos, maybe constant use of heroin, aabot pa siguro siya ng 80. Pero pagdating sa panahon na ‘yan, hindi na siya gumagalaw.”

Hindi na bago sa atin ang ganitong atake ni Digong kay PBBM. Makailang beses na niyang ipinagsigawan sa publiko, sa tuwing may isinasagawang “peace rally” sila sa Mindanao na “adik” si Marcos Jr. Hinamon pa nga niya ito ng drug test.



Pero noong siya ang nasa Malakanyang, nang hamunin din si Digong ng drug test ng kanyang mga kritiko, tumanggi rin ito, pero inamin niyang siya’y nagte-take ng Fentanyl, isang klase ng droga na mas matapang pa sa heroin.

Sa naturang pagtitipon, nagbiro si Duterte na para makapasok ang kanyang mga kandidatong senador, kailangan patayin ang 12 senatoriables ng Marcos slate.

Bagama’t ito’y biro lamang para kay Duterte, seryosong isyu ito para sa mga kandidato ni Marcos. Bakit? Dahil alam nilang may kakayahan si Duterte na gawin nga ito.

Oo! Noong termino ni Duterte ang kanyang mga order na patayin ang taong ito ay dinadaan niya sa biro pero nangyayari, at hindi iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Kaya nga nahaharap ngayon si Duterte sa ‘Crimes Against Humanity’ sa International Criminal Court (ICC) kungsaan nasa punto na raw ng paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya at sa mga “bata” niyang nagpatupad ng “Tokhang” kungsaan ilang libo ang nasawi kabilang ang mga inosenteng kabataan.



Kasama sa kaso sa ICC si dating Chief PNP ngayo’y reelectionist Senator “Bato” Dela Rosa at ilang retirado at aktibong mga opisyal ng Philippine National Police.

Sabi ni ex-Sen. Antonio Trillanes, bago ang kalagitnaan ng taon ay maglalabas ng arrest warrant ang ICC. Abangan!

***

Kapag nagsimula ang impeacment trial laban kay Vice Presidente Sara Duterte-Carpio, isa sa mga gustong siyasatin ng congressmen prosecutors ay ang secret bank accounts ng mag-aamang Duterte.

Ito’y upang malaman kung may katotohanan daw ang isinisiwalat ni dating Senador Antonio Trillanes na ang bilyones na naging laman ng bank accounts ng mag-aamang Duterte ay galing sa droga, illegal POGOs at smuggling.

Matatandaan na inilabas noon si Trillanes ang bank accounts ng Dutertes na naglalaman ng daan-daang milyon hangang bilyon, na pumapasok halos araw-araw.

Itinanggi ito ng Dutertes. Wala raw sila ganung pera. Pero ang rekord ay galing daw sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ngunit dahil walang maituro si Trillanes kung sino ang kanyang source at kung paano siya nagkaroon ng kopya ng bank accounts ng Dutertes, naging invalid ang expose niya.

Pero pinatunayan ng isang deputy ombudsman noon na tunay ang rekord ni Trillanes. Ang resulta: Sinibak sa puwesto ang naturang opisyal ng Ombudsman.

Dito sa kinakaharap na impeachment ni VP Sara, muling naungkat na ibilad sa publiko ang secret bank account ng mag-aamang Duterte. Abangan!