Asian Winter Games Gold ng Pilipinas… ‘ANOTHER FIRST’ NI POC PREXY CONG. BAMBOL

Advertisers
KAUNA-UNAHANG gold medal sa winter games ng Pilipinas, napanalunan sa 9th Asian Winter Games Harbin, China.
Bago tumulak patungong Harbin ang Team Philippines,wish lang nila ang makapag-uwi ng medalya at dahil sa tindi ng mga makakalaban , okey na ang silver o bronze.
Pero ang motibasyon ni Philippine Olympic Committee president Cong. Bambol Tolentino ay ‘GO FOR GOLD!’
Tunay na ‘it aint over ‘til it’s over!.. nakahabol ng gintong medalya ang Philippine curling team matapos pabagsakin ang liyamadong South Korea, 5-3 para sa makasaysayang tagumpay ng Pilipinas-bansang tropical at
walang winter season. Pinagharian ng mga Pinoy ang men’s curling event sa kagitingan nina Fil-Swiss Mark at Enrico Pfister,Christian Haller, Allan Frei at Benjo Delarmente na ipinagbunyi ng bansa.
Iba talaga ang mahika at karìsma ni POC prexy Cong.Bambol.Sa kanyang timon ay naabot ng ating mga atleta ng bansa ang di man lang na-accomplish ng mga naunang lider noon.Sa liiderato ni Bambol ay nahablot ang maksaysayang ginto sa Olimpiyada kortesiya ni weightlifter Hidilyn Diaz noong Tokyo Olympics at nasundan pa ito ng double gold medal ni gymnast Carlos Yulo ng Pilipinas nitong nakaraang Paris Olympics 2024.
Bukod din sa mga naiuuwing silvers at bronzes ng ating mga pambato sa timon ni Cong.Bambol.
Siya rin ang instrumental sa overall championship ng Pilipinas noong 2019 Southeast Asian Games.
Ngayon ay pokus na si Cong. Bambol Tolentino na mamayagpag ang Pilipinas sa Bangkok SEAGames at ang kauna-unahang Winter Olympics gold para sa Pilipinas na magiging “Mission Possible’. (Danny Simon)