Advertisers

Advertisers

2 Tulak, 3 estudyante timbog sa buy bust

0 28

Advertisers

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug enforcement agency at mga pulis ang 5 katao kabilang ang 3 na estudyante sa Brgy. Tikay Malolos City, Sabado ng gabi.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Satur Ediong kinilala ang mga suspek na sina alyas Joy, 46; alyas Carl, 41; alyas Shawn, 19; alyas Rocel, 20; at alyas Tin, 21-anyos, kapwa residente ng Brgy,Tikay at Brgy, Mabolo sa nabangit na lungsod.

Sa ulat, 6:33 ng gabi ng masukol ang mga suspek sa Maunlad Homes sa Brgy, Tikay.



Nakumpiska mula sa mga suspek ang 7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8.4 milyon.

Nabatid na nakabalot sa kulay brown-gold foil pack na may Chinese characters labelled na “Freeso-dried Durien” na tumitimbang ng tig-1000 gramo ng shabu,

Samantala paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” ang isasampa laban sa mga suspek.(Thony D. Arcenal)