Advertisers
“Hindi kami por kilo!”
Yan ang tinuran ni Francis Arnaiz nang sila ay parang karne na ibinebenta ng kada timbang.
Nangyari ito noong 1984 nang nabili sina Arnaiz, Robert Jaworski at mga kakampi sa Toyota Tamaraws/Corollas sa PBA. ng Beer Hausen/Manila Beer ng Asia Brewery Inc.
Tila ba raw tinda lang sila sa palengke na nilalako sa mga mamimili base sa bigat.
Yun kasi ang malaking balita sa pro league noong panahon iyon. Binitiwan ng mga Silverio ang prangkisa at kinuha naman ni Lucio Tan.
Galit ang naramdaman ng mga player na hindi pa sanay sa ganitong sistema sa propepesyuna na liga. Hindi rin man lang din daw sila nasabihan ni Jack Rodriguez, na team manager at naatasan ipagbili ang prangkisa.
Ganyan din ang feeling ng ilang manlalaro tulad ni Dennis Schroeder na na-trade ng ilang beses bago ang deadline.
“This is modern slavery,” ani ng German.
Si Anthony Davis maaari ring masama loob nguni’t tahimik lang siya.
Si Luka Doncic kahit nalipat sa malaki at mas sikat ne team ay hindi rin naitago ang hinanakit sa Dallas management.
Si Jimmy Butler ay labis ang tuwa dahil sa kanya nagmula ang request na maalis sa Miami. Gusto rin kasi niya maging kakampi sina Stephen Curry at Draymond Green sa Golden State.
Pero yan talaga ang buhay ng isang pro basketball cager. Handa ka sa anumang bagay.
Sa Estados Unidos mas mahirap kasi pati pamilya mo kailangan umalis din sa lungsod kung nasaan ang koponan mo. Pag-aaral ng mga anak apektado dahil ibang lugar na ang magiging home base ng manlalaro.
***
May lumabas na stats comparison nina Bronny James at Luka Doncic pagkatapos ng debut game ng Slovenian sa LAL.
Parehas na may 14 points ang dalawa pero ang anak ni LeBron ay naiskor ang katorse sa loob ng 16 games at 64 minutes. Si Dayunyor ay 1/10 sa tres lang at si Doncic may 1/7 sa una niyang laro. Hehe.
***
Kumpirmado na ang guesting ni chess legend Eugene Torre sa OKS@DWBL sa ika-24 ng buwang kasalukuyan.
Umuoo na si Torre sa ating co-host Lito Cinco ng People’s Tonight kaya usapang ahedres tayo sa huling Lunes ng Pebrero.
Matutunghayan din ang ating programang hatid ng Biofresh sa YouTube at Facebook Live.
4 hanggang 5 ng hapon po.