Advertisers

Advertisers

LASON SI MISFIT SARA

0 64

Advertisers

HINDI kami kumporme sa pananaw ni Bam Aquino na para sa mga pulitiko ang isinampang impeachment complaint laban kay Misfit Sara. Kaiba na punto de vista ni Bam, hindi away ng mga naglisawang pulitiko ang usapin ng pagpapatalsik kay Misfit Sara bilang pangalawang pangulo ng bansa. Lason si Misfit Sara at dapat lang tanggalin siya sa pwesto at huwag na huwag hahayaang bumalik sa liderato ng bansa.

Nauunawaan namin kung bakit bakla ang posisyon ni Bam Aquino sa usapin ng impeachment ni Misfit Sara. Walang balak makipag-away si Bam sa isang isyu na iisa ang patutunguhan. Batid ni Bam na mapapatalsik si Misfit Sara sa huli dahil hindi pagbibigyan ng kampo ni BBM na muling namayagpag si Misfit Sara na mistulang prinsesa ng bansa. Iisa ang direksyon ng lahat ng banat kay Misfit Sara: ganap na baliin ang pakpak upang hindi muling makalipad.

Gayunpaman, nakikita ang daluyong ng public pressure upang magpulong ang Senado bilang impeachment court na didinig sa isyu ni Sara na nahaharap sa pitong article of impeachment, kasama ang pandarambong niya umano sa P612-M na confidential fund. Nahaharap si Sara sa sakdal na kasama siya sa madugo pero palpak na giyera kontra droga.



***

NANGANGANIB ba ng buhay ni BBM, LAM, at Ispiker Martin Romualdez sa nabalam na impeachment trial ni Misfit Sara? May sagot si Kin. Jude Acidre ng Tingog Party List sa tanong.

House leader says threat to PBBM grows every day Senate delays VP Duterte trial

A leader of the House of Representatives on Wednesday warned senators that the threat to the life of President Ferdinand R. Marcos Jr. grows every day that they delay the impeachment trial of Vice President Sara Duterte.

“We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent tendencies – she has made direct threats before, and we would be foolish to ignore the possibility that she may act on them,” Deputy Majority Leader and Tingog Party-list Rep. Jude Acidre said.



“Napakarami nang puwedeng mangyari sa limang buwan ng pagkaantala ng Senate trial. Let’s not be naïve – every day this trial is stalled, the threat to the President’s life grows, so is the ‘kill’ threat to the First Lady, Liza Araneta Marcos, and our own Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez. This is not just about legal technicalities; this is about ensuring the safety and stability of our country,” he said.

Acidre raised the alarm over what he described as a five-month delay in VP Duterte’s Senate trial, stressing that this is not just a political or legal issue but a national security concern.

He cited the Vice President’s past statements and actions, which he said suggest “a pattern of aggressive and reckless behavior.”

In particular, he highlighted the November 23, 2024, meltdown of VP Duterte, during which she claimed that if she were assassinated, she had already arranged for an assassin to kill President Marcos, the First Lady, and Speaker Romualdez.

“The Vice President’s past behavior, including her infamous public outbursts and use of force, should not be dismissed,” Acidre said.

“Hindi malayo na she will harm the President. She has already demonstrated what she is capable of. If we continue to delay justice, we may be placing our Commander-in-Chief in serious danger,” he said.

He urged the Senate to move swiftly and decisively, emphasizing that “delaying the trial only emboldens those who thrive in impunity.”

The House leader reiterated that public officials should be held accountable for their actions and that due process should not be weaponized to shield powerful individuals from the law.

“Walang sinuman ang dapat makaligtas sa batas, lalo na kung may banta sa pinakamataas na lider ng bansa,” he concluded.

***

ISA kami sa mga natuwa nang nabalitang umuro na si Willie Ong sa kanyang kandidatura sa Senado. Isa si Ong sa mga kandidatong inendorso ng Sambayan, isang civil society organization na nagsusulong ng mga pagbabago sa lipunan. Umurong si Ong dahil nabalitang may sakit siya at mukhang malubha dahil cancer sa hindi malamang parte ng katawan.

Hindi namin kilala si Ong sa mga adbokasiya sa larangan ng kalusugang pampubliko. Kilala namin siya na nagtitinda ng mga gamot at may mga pagkakataon na nag-promote rin siya ng mga brand na hindi kilala. Itinatanggi niya ito ngunit patuloy na ginamit ang kanyang pangalan ng mga hindi kilalang kompanya ng gamot. Hindi kami kumbinsido sa ganitong kalagayan.

***

MGA PILING SALITA: “NABISTO ng mga netizen ang kulay na salawal ni TSIS. Mukhang kamping-kampi si Tsis kay Misfit Sara. May sabwatan. Bistado.” – PL, netizen, kritiko

“Huwag ihahalal ang mga kasapi ng malaking pamilyang pulitikal, mga kandidato ng China, InC, at KoJC, at mga balimbing. Huwag!” – Jonathan Medina, netizen