Advertisers
Ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) na may basbas mismo ng Malacañang ang pagsagawa ng “entrapment operation” upang mahuli ang pinsang- buo ni First Lady Atty. Liza Cacho Araneta Marcos matapos masangkot sa kasong swindling.
Ito ay si Margarita “Maggie” Cacho ng Barangay Sabang, Sibunag, Guimaras na tumatakbo bilang governor sa lalawigan ng Guimaras.
Sa panayam kay Police Brigadier General Jack Wanky, Director ng Police Regional Office 6, kinumpirma nito na alam mismo ng Office of the President (OP) ang operasyon na pinangunahan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ayon kay Wanky, nahuli mismo ang 65-anyos na si Cacho sa kanya mismong tahanan sa Bgy. Sabang sa bayan ng Sibunag, Guimaras.
Ayon naman sa ating mga sources sa nasabing lalawigan, hindi lamang simpleng kasong swindling ang pinag-ugatan ng pag- aresto ng CIDG sa pinsan ni FL Liza Marcos.
May kinalaman umano ang away sa negosyo ng magpinsan,ayon pa sa ilang malalapit na kaanak ng inarestong suspek.
Ayon sa mga ito,naikuwento sa kanila ng inarestong si Maggie Cacho na binantaan umano ito ni Liza Marcos na may masamang mangyayari dito ilang araw bago mangyari ang entrapment operation ng CIDG.
Mukha ngang may vertical na diskarte ang magpinsang ito na nauwi sa double cross.
Ang masakit,dito,nagagamit ang CIDG sa kawalanghiyaang ito nang direktahan.
Alam naman ng maraming opisyal sa PNP na ang kasalukuyang hepe ng CIDG na si General Nicolas Torre III ay protegee at appointee ni FL Liza Marcos.
Kaya naman hindi ordinaryong tsismis sa Kampo Crame ang nasabing isyu na kinakasangkutan ng suspek at ng VIP ng Malacanang.
“It’s in the blood” nga raw ang kantiyawan ngayon sa pagitan ng mga matataas na opisyal ng PNP – CIDG sa nasabing kaso.
Kung ano man ang nais ipakahulugan dito ng ating mga iginagalang na PNP officers ay naiintriga talaga tayo.
Asahang kakalkalin natin ang isyung ito sa tulong na rin ng mga kaibigan nating opisyal ng kapulisan.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com