Advertisers
Arestado sa isinagawang buy bust operation ang dalawang lalaki kabilang ang construction worker na sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga sa siyudad ng San Jose del Monte.
Kinilala ni PNP Provincial Director PCol. Satur Ediong, ang mga suspek na sina Rene Oliva y Otanguin, 47, alyas ZENKY ng Brgy. Bagong Buhay tres; at Juanito Faa Jr. y Bautista, 51-anyos, construction worker ng Brgy. Sta Cruz 4 sa nabangit na lungsod.
Sa report, 11:55 ng gabi nang masukol ang mga sa bahagi ng Brgy, Sto.Nino 1 San Jose del Monte City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 libong piso at marked money.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA.9165.(Thony D. Arcenal)