Advertisers

Advertisers

Bangkay ng nawawalang dalagita sa loob ng maleta lumutang sa ilog

0 41

Advertisers

NATAGPUAN ang isang bangkay ng babaeng menor de edad na nakasilid sa maleta na palutang-lutang sa ilog sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.



Sa report, ang bangkay ay isang 16-anyos na babaeng napaulat na isang linggo nang nawawala.

Ayon sa report ng SJDM Police station, natuklasan ang palutang-lutang na bangkay 6:30 ng gabi ng February 13 sa Sapang Alat River, Pleasant View Residences, Barangay Graceville.

Isang tawag ang natanggap ng pulisya na may nakakasulasok na amoy mula sa isang maleta sa naturang ilog kaya agad silang rumesponde.

Nang buksan ang maleta, tumambad sa kanila ang namamagang bangkay na umano’y may marka ng mga sugat at may butas sa leeg, ayon narin sa kaanak.

Sinasabing nagpaalam ang dalagita sa kanyang pamilya gabi ng February 7 na pupunta sa kanyang kaibigan na nagpapasundo sa kanya dahil binubugbog umano ng asawa.

Simula nang umalis sa bahay, hindi na makontak ang biktima hanggang sa nakita na lamang ang kanyang bangkay sa loob ng maleta na palutang-lutang sa ilog.

May mga ‘person of interest’ na ang mga pulisya sa krimen.(Thony Arcenal)