Advertisers

Advertisers

3 INDIBIDWAL NA SANGKOT SA ‘ONLINE SEXUAL ABUSE’, ARESTADO NG NBI

0 22

Advertisers

SA kulungan ngayon bumagsak ang tatlong indibidwal kabilang ang mismong ina ng mga biktima dahil sa paglabag sa anti-online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at Anti child online sexual abuse or exploitation materials, napag-alaman sa ulat.

Ayon kay NBI Director Jaime ‘Jimmy’ Santiago, nag ugat ang pagkakaaresto sa tatlong indibidwal matapos silang makatanggap ng impormasyon na may mga taong nag-aalok ng mga child sexually abuse materials.

Ang mga suspek din ay nag-aalok aniya ng live streaming act kung saan ginagawa ang sexual abuse sa mga bata, nagkakahalaga umano ng 3K hanggang sa 5K libong piso ang kada isang bata.



Nabatid kay Atty. Yehlen Agus, ang direktor ng NBI VAWC Division, matapos ang naturang live stream, ibebenta pa ng mga suspek ang recorded video at photos sa ibat-ibang online platforms.

Idinagdag pa ni Agus na bukod sa mga nabanggit na pang-aabuso, iniaalok din ang mga bata bilang mga sex tourism package kung saan dadayuhin sila sa Pilipinas para sa mga sexual activities ng kanilang customer.

Kinumpirma din ng NBI na kabilang sa mga naaresto ay ang mismong ina ng mga bata at ang pinaka matandang inaabuso ay katorse anyos habang ang pinaka bata ay sampung buwan.

Samantala, kasabay ng selebrasyon ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso, inireklamo sa NBI ng isang Club Dj ang kanyang kasintahan, matapos papuntukin nito ang kanyang nguso.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago , nagtungo sa tanggapan, ng NBI-VAWC division ang DJ na si Jelly Aw upang reklamo ang kasintahan nito matapos mag viral ang nangyaring pananakit sa kanya.



Paliwanag ni Santiago na kung suswertihin ay posibleng maaresto ngayong araw ang boyfriend ni Aw.

Kaugnay nito, nagpaalala si Santiago na ang babae ay hindi dapat sinasaktan kundi dapat silang iduyan sa bisig ng pagmamahal. (JOJO SADIWA)