Advertisers

Advertisers

Video nang naliligong anak-anakan buking sa celfon ng stepdad

0 14

Advertisers

Timbog ang isang stepfather nang mabisto ng kinakasama na puro hubad na video ng musmos niyang anak ang nasa cellphone nito sa lalaeigan ng Bulacan.

Kinilala ang suspek na si alyas Jude, 33, funeral helper; habang ang biktima na 12-anyos na babaeng itinago sa pangalang Yanna kapwa residente ng Brgy. Sapang Palay.

Sa report ng SJDM police station, nangyari ang insidente 12:50 ng madaling araw noong Enero 30 at 5:40 ng umaga nitong Pebrero 5 sa kanilang tinutuluyang compound sa Brgy. Sapang Palay habang nai-report sa kanila 9:12 ng umaga ng Pebrero 12.



Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naiwan ang cellphone ng suspek nang pumasok ito sa kanyang trabaho na nakita at pinakialaman ng kanyang kinakasama.

Dahil sa pagkamausisa ng kinakasama, aksidenteng nabuksan ang cellphone ng suspek hanggang sa tumambad ang mga video ng kanyang anak na naliligo sa CR.

Agad humingi ng saklolo sa barangay ang mag-ina na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek at kalaunan isinuko sa pulisya.

Sinasabing, nakulong na ang suspek sa iba pang kasong kinasasangkutan habang nahaharap pa sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">