Advertisers

Advertisers

VIDEO KARERA NA MATAGAL NG LAOS, BUMABALIK MULI

0 13

Advertisers

MULI yatang binabalik sa mga lansangan ng Maynila ang mga makina ng video karera o’ VK na matagal na panahong na ring laos at limot na rin ng publiko matapos makakumpiska ng makina ng VK Ang awthoridad sa loob ng Manila North cemetery makakailan.

Kung kailan pa anila naghigpit Ang pulisya laban sa lahat ng uri ng illegal gambling sa lungsod at saka naman sumulpot Ang VK na alam nating lahat na maraming sinirang Buhay at pamilya.

Siguradong hindi lang isang makina ang ilalabas ng mga maintainer nito dahil malulugi sila sa intelihensiya at gastos, hahanap din siyempre iyan ng panabla at at ilan butas na kung saan pwede silang makabawi.



Saksi tayong lahat na maraming sinirang buhay at nilubog na mga tao ang makinang ito particular na ang mga kabataan na nalulong at nagumon dto.

Mantakin niyong ito ay sapilitang pinatigil at totally ban sa Maynila at ngayon tila binabalik na naman ng paunti-unti.

Ang sinasabing VK ay nakumpiska mismong sa loob ng Manila North cemetery. Pinaniniwalaan na Marami pang mga makina ang nag-ooperate sa buong lungsod.

Imposible anila na iisa lang Ang makinang ito dahil itong sugal na ito ay in na in sa publiko maging noong lumipas na panahon.

Noong araw,kalimitan mga pulis o’retiradong mga pulis ang maintainer nito dahil nga malakas itong pagkakitaan. Malaki ang pisibilidad na sila pa rin ang may hawak nito ngayon.



Wala naman kasing ibang tao ang may lakas ng loob na maglagay nito kundi sila o di kaya’y ang kanilang mga dummy at ginagamit na mga front.

Siguradong marami pang makina ang nandyan lang sa tabi-tabi at hindi pwedeng Ilan lang dahil matatalo sila sa intelihensiy, iba rin Ang proteksiyon bini-bigay dito at blessing na rin sa itaas.

Ang may hurisdiksiyon sa lugar ay Ang Manila Police District (MPD) PS-3 na tila natutulog sa pansitan o d kaya’y nagtetengang-kawali at nagbibingi-bingihan lang, patay mali ika nga.

Sa kanilang dako, isang tupadahan naman ang nahuli sa tabakuhan ng MPD-PS-5 na kung saan Ilan taon na Rin daw nag-ooperate ngunit ngayon lang napansin.

Kung meron sugalan sa AOR ng station 3 at station 5, Hindi malayong meron rin nito sa iba pang police station na nasasakupan ng MPD, di po ba?

KUNG KAILAN NAGHIGPIT Ang kapulisan laban sa illegal gambling na sinamahan pa ng NO TAKE POLICY eh mas Lalo yatang lumala.

Paano daw naging no take policy eh halos araw-araw ay dumadaing Ang mga vendor sa taas daw ng tarang hinihingi sa kanila.

Kung ang mga vendor ay hinihingan malaking kalokohan na hindi sila tumatanggap sa mga maintainer ng illegal gambling.

Siyento porsyentong tukoy at hindi pwedeng makalusot sa kanila ang mga illegal bookies, mga kubrador ng easy two, jueteng at marami pang iba.

Bokilya lang anila ang sinasabing higpit at no take policy ngunit sa totoo lang ay take one, take two hanggang take na lang ng take na ginawa na lang simplihan na sila-sila lang ang nagkakaalaman.