Advertisers

Advertisers

Utos ng Palasyo: Pinsan ni FL Liza kulong sa position at appointment for sale

0 22

Advertisers

Mismong ang Palasyo ang nagpahuli sa gubernatorial candidate ng lalawigan ng Guimaras dahil sa mga anomalyang ginagawa nito gamit ang kamag-anak na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Kinilala ang inaresto na si Maggie Cacho.

Ito ang sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group Director at bagong promote na si Police Major General Nicolas Torre III nitong Huwebes.



Kinumpirma ni Police Regional Office 6 Director Police Brigadier General Jack Wanky ang pag-aresto kay Cacho kasama ang kaniyang secretary na si Cayetano Leal ng Brgy. Misi, Lambunao at dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nadakip sa operasyon na sina Marwin Parpan, 31, ng Dipolog City; at Rico Maylan, 27, ng Sandulot, Siaton, Negros Oriental, na nagsilbing personal na security ni Cacho.

Mismong si Special Envoy to Transnational Crime Ambassador Marcos Lacanilao ang sumulat kay Torre upang hulihin ang suspek.

Ayon kay Torre, ginagamit ni Cacho ang pangalan ng First Lady sa kaniyang mga iligal na transaksyon katulad ng position at appointment for sale.

Matatandaang nadakip si Cacho ng mga tauhan ng CIDG sa isinagawang entrapment operation sa mismong bahay nito sa bayan ng Sabang sa Sibunag habang tinatanggap ang entrapment money sa isang complainant.

Sa ulat, nag-ugat umano ang operasyon sa reklamo ng isang biktima, na hiningan umano ng P1 milyon kapalit ng pagpapadali sa pag-apruba ng kanilang proyekto para sa Private Motor Vehicle Inspection Center-Emission Testing Center ng Department of Transportation.



Dahil dito nanawagan si Torre sa iba pang nabiktima ng suspek na lumutang at magsampa ng kaso laban sa suspek upang madagdagan ang mga kaso laban dito.

Ayon kay Brigadier General Wanky, sinampahan na ng kaso ang apat. Nahaharap si Cacho at Leal sa kasong estafa, habang ang dalawang PCG officers kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) kaugnay ng COMELEC Gun Ban, alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso.