Advertisers
Nasawi ang apat katao na tatlo sa kanila menor-de-edad, sa banggaan ng isang tricycle at ten-wheeler truck sa Cogon, Dipolog City sa Zamboanga del Norte noong umaga ng Lunes, February 12, 2025.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 32-anyos na driver ng tricycle na si Ronnie Acoymo Merafuentes at ang kanyang anak at pamangkin na parehong mga lalaking Grade 3 pupils sanhi ng aksidente.
Isa pang pamangkin ni Merafuentes na lalaking 14-anyos na mag-aaral din ang pumanaw sa pagamutan makalipas ang ilang oras.
Ihahatid sana ni Merafuentes sa paaralan ang mga menor-de-edad na mga pasahero ng mabanggga ng kasalubong na malaking truck na may lulang mga bagong motorsiklo sa mga dealers sa ibat-ibang lugar sa mga magkatabing mga probinsya ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.
Ang driver ng truck na pag-aari ng Skygo Corporation sa Lapu-Lapu City sa Cebu na si Rolly John Madaiton Balalilhe, 37-anyos, na boluntaryong sumuko sa mga pulis at mga barangay officials na nagresponde sa insidente, ngayon nakapiit na sa Dipolog City Police Office.