Advertisers

Advertisers

Sa Mayo 12, babalik na si Yorme Isko en company!

0 22

Advertisers

ANAK ng tinolang manok, paanong mananalo itong tropang nasa Manila CityHall, e mas busy sila sa pagtatanggal ng mga poster ng mga kandidato ng Yorme’s Choice.

Imbes na ayusin ang laging mabigat na trapiko at pangongotong ng mga tiwaling traffic enforcer, imbes na hakutin ang nagtambak na basura ang linisin ang Maynila, ang inaatupag nila ay siraan si Yorme Isko Moreno na “ganun daw,” “ganito raw.”

Aba, sorry, pero naisip ko, may konting katangahan din ang mga nagpaparatang, hoooy, nang mangyari ang sinasabi nyong “kalokohan” at “korapsiyon” daw sa panahon ni Yorme noon, e hindi ba kayo ang magkakasama?



Kung anoman ang aksiyon o ginawa ni Yorme Isko noon sa panahon ng pandemya, mga infra projects at iba pa na sinasabing may anomalya, wag kalimutan, iyon ay may patibay, authorizarion mula sa City Council na ang presiding officer ay vice mayor noon at ngayon ay Mayor Honey Lacuna!

Kung totoo ngang may korapsiyon, aba, Mayora Honey, sabit ka, complicit ka rin!

Sa kagustuhan nyong i-down si Yorme Isko, kasama rin kayong babagsak.

Pero ito ang maliwanag, kahit ano pang paninira, tanggalin man nyo lahat ang posters, paanunsiyo at iba pa na nagpapakita ng di na mapipigilang pagbabalik ng tropang Yorme’s Choice sa CityHall, hindi maaalis, hinding-hindi matatanggal sa puso ng bawat bata, nanay, tatay, lola at lolo ang nag-iisang Yorme! ?????

Okay lang ubusin nyo ang bilyones na perang pondo, kahit pa ipakalat ang inyong bayarang mananakot at maton, hindi nyo magagawang alisin ang todong suporta at pagmamahal sa tropang kandidato ng Yorme’s Choice.



Mangatog ka na, Yul Servo, papalitan ka na ni incoming Vice Mayor Chi Atienza, at ito ay walang duda na mangyayari.

Tandaan mo, buong Maynila ang balwarte ni VM Chi, nakalimutan mo yata, Servo, anak ni dating vice mayor, dating mayor, dating Cabinet secretary Congressman Lito Atienza ang binabangga mo.

E, kaya ka lamang nanalo, kasi tinulungan ka ni Yorme Isko at kasamang Yorme’s Choice — na ngayon ay kinakalaban mo.

Sabihin ba naman na peke raw, mindi conditioning lamang ang lahat ng surveys na nagsasabi, kakain ng alikabok ang tiket nila ni Mayora Honey.

Aba, e nangangamoy na parang nabubulok na basura ang trust rating nila sa lahat ng survey, at kahit ang mga iskolar ng Maynila, hindi man lang nakapagtala sina Lacuna-Servo tandem ng maipagmamalaking rating.

Kung sa estudyante bulakbol, ang grado ng dalawa ay lumalagapak na 65%, at pag ganito ang grado, ang resulta ay kick out na sa school.

Malamang, yan din ang mangyayari sa Mayo 12, iyakan ito kasi, sipang palayas sa CityHall ang igagawad na hatol ng botanteng Manilenyo.

Yes, sa Mayo 12, matatawag na “The Biggest, the boldest comeback ang Yorme’s Choice at ngayon pa lamang , sabik na ang Manilenyo na isigaw: “Yorme ISKOming Back!”
***
Bakit sigurado na ang Yorme ISKOming Back?

Kasi hindi pa nakakalimutan ng Manilenyo at maging taga-ibang dako ng bansa ang outstanding performance noong panahon ng pandemya.

Sa paghanga, maging ang ibang alkalde sa bansa, ginawang modelo ang pag-asensong ginawa ni Yorme sa Maynila!

Pag may kalamidad sa ibang dako, nagpapadala, hindi lamang ng relief goods si Yorme, pati ang medical at engineering team ng CityHall ay tumutulong.

Love na love si Yorme Isko ng mga lola, lolo, solo parents, PWDs na sigurado ang alawanses, birthday cakes, at mga vitamins at accessible na gamutan.

Ngayon, ang dating ibinibigay na ensure na gatas ay naging stick-o at ang birthday cake ay naging cupcake, nawawala o nade-delay ang kanilang alawanses at ang serbisyo sa mga ospital at klinika, ugaling band-aid ang kayang ibigay.

Marami pang serbisyong totoo ang nawala, at ito ang gustong maibalik ng Manilenyo sa Mayo 12, kaya lagi na, sa mga caucus, miting at umpukang barangay, ang sigaw, “Yorme, yorme, sabik na kami, bumalik ka na, bumalik ka na, Yorme!”

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.