Advertisers

Advertisers

Rizal PNP nagiging kontrabida umano sa “PD 1602”?

0 21

Advertisers

Matinde ang naging banta kamakailan ng hepe ng pambansang pulisya na sibak agad sa pwesto sa ilalim ng ipinatutupad na “One-Strike” at ‘No Take” Policy sa sinumang PNP official na dawit at protektor ng mga ilegal na sugal sa bansa, partikular ang jueteng, lotteng at iba pang sugal.

Sinabi ni PNP Chief, Rommel Francisco Marbil na wala siyang sisinuhin sa mga police commander na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil alam niyang kapado ng mga pulis ang lahat ng sugalan sa kanilang mga lugar.

Sa kabila ng mahigpit na kautusan ito laban sa iligal ay nananatiling talamak parin ang presensiya ng iligal na sugal partikular na sa lalawigan ni Rizal Governor Nina Ricci Ynares.



Katunayan patuloy na namamayagpag ang gambling operation tulad ng pergalan (perya-sugalan) sa hurisdiksyon nina Rizal Provincial Director PCol Felipe Maraggun at PRO4A Regional Director PBGen Paul Kenneth Lucas sa kabila ng mahigpit na kautusan ni Marbil na ipatigil ito.

Batay sa sumbong na pinarating sa pitak na ito ng ilang concerned citizen, mistulang nagiging kontrabida umano ang mga nabanggit na PNP officials sa “One Strike” at “No Take” Policy ni Marbil dahil talamak parin ang operasyon ng “color games at drop ball baraha” na matatagpuan partikular sa Magsaysay Avenue Barangay San Gabriel Teresa Rizal,, Barangay Cherry Marikina Infanta Highway Antipolo City, Barangay Patiis San Mateo, MH Del Pilar St. (Montalban) Rodriguez Rizal, C6 Lakeview Road 20 at Floodway ng Taytay Rizal, Rotonda Monument Tikling Taytay Rizal, at T. Claudio St. Namay Barangay San Juan Morong Rizal na mga nakahambalang ang hindi bababa sa 10 lamesa ng “color games at drop ball baraha” na pinag-piyestahan gabi-gabi ng mga adik at sugarol na pino-protektahan umano ng ilang tiwaling PNP opisyal.

Naniniwala din ang ilang sektor na malabo ng matuldukan ng kapulisan ang lantad na presensya ng iligal na sugal dahil ipinagmamalaki umano ng mga gambling operator na malaki ang “timbre” nila sa tanggapan ng Rizal Police Provincial Office at Calabarzon Police Regional Office.

Panawagan nila imbestigahan ni Marbil at Department of Interior Local Government Secretary Jonvic Remulla, ang direktang pambabastos sa anti- illegal gambling Presidential Decree 1602 as amended by Republic Act 9287 dahil mismong ang mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala dito.

Samantala hindi lamang sa probinsya ng rizal talamak at lantad ang “pergalan” ang humihigop sa pinaghirapang pera ng mamamayan kundi maging sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezaon na pino-protektahan ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan maging ng National Bureau of Investigation (NBI) ayon sa reklamo.



Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.