Advertisers
Inaresto ng kanyang mga kabaro ang isang pulis sa General Santos City nang ireklamo ng kasong pangingikil.
Huli sa entrapment operation ang suspek na kinilalang si PSSgt Michael Anthony Roma, nakatalaga sa Police Station 5, ng General Santos City Police Office.
Batay sa impormasyon, humingi umano ng P20,000 ang suspek sa misis ng isang naaresto para hindi umano ito mailipat ng City Jail.
Pero matapos umanong makabayad ng inisyal na P10,000 ang misis, natuloy pa rin nailipat sa kulungan ang kanyang mister.
Sa ikinasang entrapment operation, natimbog si Roma na ngayon nasa custodial facility na habang pinoproseso ang kaukulang kaso laban dito.