Advertisers
Naaresto ang 59-anyos na lalaking school principal at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Office, sa kasong panggagahasa ng menor-de-edad na babaeng estudyante.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Miyerkules ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, kusang nagpaaresto na ang principal ng isang public high school sa Zamboanga City noong Linggo ng gabi ng mga kasapi ng Zamboanga City Police Station 4 ng malaman na may warrant of arrest para sa kanya na mula sa mula sa Regional Trial Court Branch 16 sa naturang lungsod, may petsang January 28, 2025 at pirmado ni Judge Ruben Garcia Pajarito kaugnay ng kasong statutory rape na isinampa ng mga magulang ng kanyang diumano biktima.
Walang piyansang nirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspect, ayon sa mga opisyalng Zamboanga City police force at mga local government officials.