Advertisers

Advertisers

PCO OIC itinalaga rin… PBBM NAGLAGAY NG BAGONG DOTR CHIEF

0 15

Advertisers

NAGLUKLOK ng Officer-in-Charge (OIC) sa Presidential Communications Office (PCO) si Acting Secretary Cesar Chavez.

Batay sa Special Order 25-044 na inisyu at pirmado ni Chavez, inilagay bilang OIC si Senior Undersecretary Emerald Anne Ridao kung saan epektibo ito mula Feb. 17 hanggang Feb. 21 o mula Lunes hanggang Biyernes ng susunod na linggo

Bunga nito, si Ridao muna ang mangangasiwa ng pang-araw-araw na aktibidad at operasyon ng PCO sa loob ng isang linggo.



Nabatid na ang dahilan ng pansamantalang pagliban sa trabaho ni Chavez sa PCO ay ang biyahe nito sa ibang bansa, alinsunod sa inaprubahang travel authority sa mga nasabing petsa.

Samantala, may bago nang pinuno ang Department of Transportation (DOTr) matapos kumpirmahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na magiging susunod na secretary ng DOTr si Vivencio Vince Dizon, epektibo sa Feb. 21, 2024, Biyernes ng susunod na linggo.

Pahayag ni Bersamin, binigyan na ng awtorisasyon ng Office of the President (OP) si Dizon na simulan ang transition sa DOTr sa pakikipagtulungan ng team ni outgoing Secretary Jaime Bautista na nag-resign dahil sa problemang pangkalusugan. (Gilbert Perdez)