Advertisers
Makalipas ang halos anim na taon na pagtatago sa batas, nadakip na nang mga aetoridad ang Most Wanted sa Lanao del Norte.
Sa report ni PNP Provincial Director PCol.Satur Ediong kinilala ang suspek na si Sihawe Abubacar Y Barat, 49-anyos, tubong Mindanao residente ng Blk. 100, L. 10, Purok 1, Brgy. Sta. Cruz 1, City of San Jose del Monte, Bulacan.
Base sa paunang imbestigasyon ganap 9:48 ng umaga noong nakaraang araw ng arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng Pantao Ragat Municipal Police Station,Regional Mobile Force Battalion-3 at PNP Maritime Group ang suspek via Alias Warrant of Arrest sa Brgy, Minuyan Proper sa nabangit na lungsod.
Dinakip si Sihawe,sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no.24302-24305-20 sa 4 counts ng Murder, 24306-24308-20 sa 3 kaso ng Frustrated Murder at isang kaso ng atempted Murder na may cc.no.24309 -20 na una n inilabas ni Branch 1 Lanao del Norte RTC 12 judicial region Presiding Judge Hon.Alberto P Quinto noon Enero 24 2021 kung saan walang piyansang inerekuminda ang korte para sa kanyang kalayaan.
Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Custodial Facility ng City of San Jose Del Monte.(Thony D. Arcenal)