Advertisers

Advertisers

MAY KATOK SI PANTALEON?

0 58

Advertisers

HINDI palaisipan sa amin kung bakit naghabla si Pantaleon Alvarez laban sa ilang piling kasapi ng Bicameral Conference Committee na pumanday sa 2025 national budget. Alam namin ang layunin ni Pantaleon. Gusto niyang bigyan ng proteksyon ang isinusuka ng bayan na si Sara Duterte. Ang nakakagulat ay may pinipili siyang ihabla.

Kataka-taka na isinama niya sa sakdal sa hukuman si Ispiker Martin Romualdez kahit walang partisipasyon ang huli sa paglilok ng pambansang budget ng 2025. Hindi rin niya isinama sa sakdal ang mga senador na kasapi ng Bicameral Conference Committee. Layunin niyang hiyain ang mga kongresista at si Romualdez. Bistado na may katok si Pantalon.

Isinampa ang sakdal nina Pantalon at iba pang kaalyado ni Gongdi kaugnay sa pagsisingit umano ng mga probisyon na hindi kasama sa inaprubahan at nilagdaan sa Bicam Conference. Ayon kay kin Rodge Gutierrez ng 1Rider Party List, mukhang miyembro lang ng Camara ang pinuntirya ni Pantaleon. “If you also look at the cast of characters, bakit… yung House lang po yung respondents,” aniya.



Wala kaming nakikitang kinabukasan sa sakdal. Malamang ibasura lang ito ng hukuman dahil walang katuturan ang sakdal. Pero mainam na rin ang magkaroon ng pagdinig upang malaman ang punto ni Pantaleon at kabilang panig. “These are just some questions that I think siguro dapat maitanong ng taongbayan in relation to the context of the filing of that case,” ani Gutierrez. Walang malinaw na paliwanag si Pantaleon sa isyu.

Punto pa niya, na si Alvarez, na ngayon ay nagrereklamo, ay miyembro rin ng Kamara nang ipasa ang budget na dapat ay una ng umalma noon pa. “We stand by ‘yung sinabi po ng ating leadership, we stand by po ‘yung sinabi ni acting Chair [Stella] Quimbo na ginawa naman lahat ito with authority ng bicam,” giit ni Gutierrez. Ito ay nagpapakita ng paninindigan ng liderato ng Kamara na lahat ng naging hakbang ay naaayon sa itinakdang mga proseso ng Bicam.
***
MAY IPINADALA sa amin na press statement. Pakibasa:

Ebidensya laban kay VP Sara matibay, bank record pandagdag lang

Kumpiyansa ang 11-man House prosecution team na matibay na matibay ang kaso at sapat ang mga ebidensya upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment trial court.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City ang planong ipa-subpoena ang bank records ni Duterte ay pandagdag lamang sa mga ebidensya kaugnay ng mga paratang na iregularidad sa paggamit ng pondo at nakaw na yaman.



“The prosecution team is ready to present a strong case, even without the bank records. The evidence we have right now is compelling and backed by documents, testimonies, and official records,” sabi ni Zamora.

“But if we can secure the Vice President’s financial records, it will be the icing on the cake—a definitive, undeniable piece of evidence that will speak for itself, supporting several of the Articles of Impeachment,” dagdag pa nito.

Binigyan-diin pa ni Zamora na ang impeachment case laban kay Duterte ay mayroong matibay na pundasyon ng katotohanan na mula sa mga ebidensyang lumabas sa pagdinig ng Kamara.
Ipinunto niya na ang mga taga-usig ng Kamara ay:

-Nakakuha ng mga opisyal na dokumento kaugnay ng umano’y iregularidad sa paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.

-Nakapangalap ng mga testimonya na nag-uugnay sa mga kahina-hinalang transaksyon sa umano’y hindi wastong paggamit ng pondo.

-Nagtatag ng isang timeline na nagpapakita ng mga di-umano’y hindi pagkakatugma sa paglalaan at paggastos ng pondo ng bayan.

-Nakipag-ugnayan sa mga ahensyang may tungkulin sa pagbabantay ng pondo, tulad ng Commission on Audit (COA), upang subaybayan ang cash-flow.

“Our case does not depend on a single piece of evidence. We have already connected the dots. The financial records, if obtained, will simply validate and confirm what the documents and testimonies have already revealed,” paliwanag pa nito.

Bagama’t matibay na ang kaso laban kay Duterte, ayon kay Zamora, mahalaga pa rin i-subpoena sa kanyang mga bank record—hindi dahil kulang ang ebidensya, kundi dahil kailangang ipakita ng mga opisyal ng gobyerno ang ganap na transparency sa kanilang yaman, lalo na kung may matagal nang mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.

Paalala pa ng kongresista ang impeachment ay natatanging exemption sa bank secrecy law (RA 1405). Kaya’t maaari itong gamitin bilang ebidensya sa kasong ito. Ganito rin aniya ang nangyari sa impeachment noong 2012 laban sa yumaong si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, kung saan ginamit ang mga bank records bilang ebidensya na sa huli ay humantong sa kanyang pagkakasakdal at pagpapatalsik sa puwesto.

“The question is simple: if there is nothing to hide, why resist transparency? The Bank Secrecy Law does not apply in impeachment cases, and we trust that the Senate, when it convenes, will see the necessity of making these records available,” ayon kay Zamora.

***

Email:bootsfra@yahoo.com