Advertisers

Advertisers

Mataas na opisyal ng NPA bulagta sa engkuentro

0 9

Advertisers

Nasawi ang isang mataas na opisyal ng New People Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Butuan City, Agusan del Norte mitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Myrna Sularte, alias Maria Malaya, leader at Secretary ng Communist Terrorist Groups’ (CTGs) Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), member ng Political Bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay BGen. Arsenio DC, Sadural, commander ng 901st Infantry Brigade, naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga elemento ng 30th Infantry Battalion at rebelde sa pamununo ni ni Sularte sa bulubunduking bahagi ng Sitio Imelda, Brgy Pianing, Butuan City, Agusan del Norte.



Nabatid na nasabat ng mga sundalo ang rebelde sa pamumuno ni Sularte at nagsimula ang engkwentro na tumagal ng halos 1 oras at nagresulta ng pagkasawi ngl ider ng mga rebelde.

Maybahay si Sularte ni Jorge “ka Oris” Madlos, lider ng NPA National Operation Command na napatay noong Oct. 2021 sa engkwentro sa Bukidnon.

Sinabi ni Sadural na kabilang si Sularte sa mga Most Wanted Person, na nahaharap sa mga kasong Rebellion, Destructive Arson, Robbery with Double Homicide, Damage to Property, Kidnapping and Serious Illegal Detention, Robbery in Band, Murder, Multiple Murder, at Frustrated Murder. (Mark Obleada)