Advertisers

Advertisers

Maris viral ang panty at bra scene sa serye; Jillian independent na ngayong 20 na

0 84

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AYON sa lead star ng Kapuso series na My Ilonggo Girl na si Jillian Ward, nagsimula na siyang mamuhay ngayon bilang independent woman.

Sabi niya sa panayam ng ABS-CBN,“So far, I’m learning a lot. Talagang ang daming nagta-transform sa buhay ko. I feel like I’m maturing. This year actually, ini-start ko na yung pagiging independent.



“I’m staying sa sarili kong unit, ganyan. Ang dami ko talagang natututunan so far kahit January pa lang.”

Tulad ng iba, dumaan din si Jillian sa awkward stage ng kanyang career, “Actually, nu’ng una naging mahirap talaga siya kasi nagkakaroon ako ng awkward stage nu’ng mga 10 to actually 17 years old awkward stage ko yun.

“Pero nu’ng ginawa ko yung Abot Kamay Na Pangarap, yun talaga yung project na naging sobrang supportive yung mga tao. And slowly, natatanggap na po nila na nagdadalaga na ako and 20 na ako next month,” sey pang aktres.

Patuloy pa niya, “But I also went through an awkward stage talaga. Sa projects medyo nahirapan sila kasi hindi nila alam kung ano yung bagay na roles, kung pambata ba or dalaga na, ganyan. Nu’ng mga time na yun, sabi ko talaga sa sarili ko, alagaan ko lang yung sarili ko.

“Minsan may mga comments pa rin na naiisip nila na mga 13 years old pa rin ako, ganu’n. Parang hindi sila sanay sa mga roles ko or minsan sa mga sinusuot ko. Hindi sila sanay kapag nakaganito (suot na gown) ako na pananamit. So nire-remind ko sila na, ‘Hala, guys, magtu-20 na ako next month. Hahahaha!”natatawang sabi pa niya.



Samantala, natanong din si Jillian sa nasabing interview kung sinu-sino sa mga Kapamilya stars ang nais niyang makatrabaho in the future.

“Gusto ko maka-work si Meme Vice (Ganda), sobra! Kapag nagkikita kami talagang napaka-sweet niya sa akin kaya sobrang mahal na mahal ko siya.

“Si Coco Martin, pati sila Sir John Lloyd Cruz, gusto ko talaga maka-work lahat lalo na po ngayon na mas open na talaga ang GMA at ABS-CBN sa isa’t isa,” sabi pa niya.

Posible ngang makatrabaho ni Jillian ang mga aktor na nabanggit niya mula sa Kapamilya network dahil nagko-collab na ang ABS at GMA 7.

***

NAG-VIRAL ang bra’t panty scene ni Maris Racal sa ABS-CBN series na Incognito.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng dalaga na talagang nagulat siya nang malaman na ang unang eksenang kailangan niyang gawin sa Incognito ay ang pagtakbo na suot lamang ang kanyang underwear.