Advertisers

Advertisers

KHALIL BINENTA ANG DALAWANG KOTSE PARA MABILI ANG ‘ENDGAME CAR’

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY bagong car na binili si Khalil Ramos na kung tawagin niya ay endgame car.

Ayon sa singer- actor, dagdag umano iyon sa kanyang expenses ngayong taon dahil sa pagbili niya ng kanyang dream car



Pero, isang investment umano ang white Land Cruiser Prado 250 na isang “endgame car.”

Deklara niya, “It is one of my dream cars and parang hindi na yata ako magga-gastos ng buong taon. Nabili ko na early this year ang gusto kong bilhin.”

Esplika niya sa kanyang Land Cruiser dream car.

“Growing up, it was always the endgame car kasi ‘yun ‘yung reputation ng car e. You get that car, it’s done na e. You don’t buy cars ever again.

“So, I’ve always loved a Land Cruiser. Ito bagong labas lang kasi so nu’ng lumabas siya, sabi ko yan na ‘yun, this is it. Mag-iipon ako. So, I sold two of my cars to get my endgame car.”



***

JOLINA UNBREAKABLE ANG FRIENDSHIP KAY MARVIN

MAY post si Jolina Magdangal sa kanyang IG Stories tungkol sa friendship nila ni Marvin Agustin.

Isang long touching message ang sinulat ni Jolens para sa kanyang kalabtim.
Isang video na kuha nung nagsho-shoot sila ng reunion movie na may kalakip na mensahe.

Aniya, “Dear Labtim, ilang araw na rin na madami ang nararamdaman ko sa work. Halo-halo. Kaninang madaling araw nung nag-drop na sa Spotify yung theme song ng movie natin, at naisip ko na mamaya na yung premiere night ng movie, napahagulgol na lang ako kasi umapaw na yung nararamdaman ko… at ang pinaka malinaw sa lahat… I am so grateful for everything na nangyari satin. Thank you, Labtim.”

Dagdag pa ng Kapamilya aktres, “Itong ‘Ex Ex Lovers’ a.k.a “dream project” natin ay habangbuhay kong ipagmamalaki dahil dito tayo mas nabuo bilang totoong magkaibigan. Thank you sa trust mo sakin tuwing nagkukwento ka ng mga bagay na hindi mo nakukwento sa iba. Andito lang ako para sayo, kahit makikinig lang.”

Sa huli in-assure ni Jolena na mahal niya at ng kanyang pamilya ang chef actor.

“Mahal ka ni Mark, Pele, at Vika dahil ramdam nila mula sa akin na mabuti ka talagang tao. Asahan mo rin na pamilya mo kami. Alam mo, Labtim, hindi man natin lagi makita, naniniwala ako na meron din tayong invisible red string that binds us together. Our connection will always be unbreakable. Ang dami nating blessings at nangunguna na diyan ay ang ating friendship.”

Na-touch ang MarJo fans sa mahabang mensahe ng singer-TV host.

***

ASHLEY UMAMIN NA SA RELASYON KAY MAVY

ISINIWALAT ni Ashley Ortega ang estado ng relasyon nila ni Mavy Legaspi.

Sa Fast Talk With Boy Abunda, tinuldukan na ng Kapuso aktres ang rumors sa kanila ni Mavy.

Natanong siya ni Kuya Boy sa real score nila ni Mavy.

Walang pag-alinlangan na sabi ni Ahley, “I think it’s obvious naman na.”

Matatandaang nakitang magkasana ang Sparkle artists sa Cebu nang um-attend sila ng Sinulog Festival last January.

Maraming nakakakita na very obvious ang pagiging sweet nila sa isa’t isa kahit nasa public place ang dalawa.