Advertisers

Advertisers

HVI, timbog sa higit P400k shabu sa Valenzuela

0 12

Advertisers

Kulong ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P400K halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi

Kinilala ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., chief, ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang suspek na si alyas “Arvie”, 38, ng Brgy. Marulas.

Sa ulat kay NPD Director P/Col. Josefino Ligan, ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang ang mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Valenzuela police matapos isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon kay alyas Arvie.



Inaresto na ang suspek sa Libra St., Batimana Compound, Brgy. Marulas 1:55 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 65.49 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P445,332, at buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)