Advertisers

Advertisers

Figure skaters Gamez, Korovin 4th place sa Asian Winter Games

0 11

Advertisers

KINAPOS sina Isabella Gamez at Aleksandr Korovin sa podium finish para sa Team Philippines matapos lumapag sa fourth sa pairs figure skating event ng the 9th Asian Winter Games Miyerkules ng gabi Pebrero 12, sa Harbin, China.

Ang dalawa ay yumuko sa kanilang grace at chemistry na umiskor ng 99.99 points, 10 points sa likuran ng bronze medalists Yuna Nagaoka at Sumitada Moriguchi ng Japan, na nagrehistro ng 109.86.

Nakamait nina Gamez at Korovin ang provisional lead bago ang top three pairs mula sa North Korea, Uzbekistan at Japan.



Nakupo ng North Koreans Ryom Tae Ok at Han Kum Chol ang gold medal sa impresibong 112.20 points, habang Uzbeks Ekaterina Geynish at Dmitriy Chigirev naangkin ang silver sa iniskor na 111.88 points.

Samantala, Cathryn Limketkai at Sofia Frank sumulong sa medal round matapos pomuwesto sa 10th at 11th sa women’s short skating program.

Limketkai umiskor ng 45.28 sa kabila ng nakakuha ng one-point deduction, habang si Frank ay pomuste ng 43.55 para makasama sa 23 iba pang free skating event.

Ang dalawa pang pambato ng Pilipinas ay kasalukuyang sumasabak habang sinusulat ang balitang ito.

Kasalukuyan rin na nakipaglaban sa men’s single free skating si Paolo Borromeo.



Sa freestyle skiing, Laetaz Amihan Rabe nagtapos sa sixth place sa iniskor na 119.50 points — malayo sa eventual gold medalist Liu Mengting, na nagrehistro ng 175.50.

Sa totoo lang a 1-2-3 finish para sa powerhouse Chinese crew na si Han Linshan (162.75) at Yang Ruyi (159.50) inangkin ang silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.