Advertisers

Advertisers

Si Pacquiao at si Quiboloy

0 2,671

Advertisers

SI Manny Pacquiao ay bumabalik para Senador, habang si Pastor Apollo Quiboloy ay kumakandidatong senador para manggulo.

Himayin natin ang kanilang sinabi, kung sila ba ay karapat-dapat ihalal???

Noong 2022, patapos na ang termino ni Pacquiao sa pagka-senador, binira niya ang Marcos, ang convicted sa Graft na ina ni Pangulong “Bongbong” na si ex-First Lady Imelda:



“Ilang taon na si Imelda? Kumbaga mga ganyang edad, parang precious na sa atin ‘yan na may ganyang tao na umabot sa ganyang edad. Bigyan natin ng pabor ‘yan dahil matanda na. Hindi siguro natin siya ihahalo doon sa mga kulungan, eh ‘di lalo siya namatay. Separate nalang siguro siya.”

Ngayong kasali si Pacquiao sa senatorial slate ng administrasyong BBM, iba na ang naging tono niya sa Marcos:

“Lagi natin sinisisi ang pamilya Marcos pagdating sa corruption. Hindi natin nakikita na sa  panahon ng Marcos, ang bansa natin #1 sa ekonomiya. May corrupt bang bansa na #1 sa ekonomiya?”

Ang ganitong karakter ng kandidato ay pag-uugali ng isang Trapo (traditional politician), walang paninindigan, walang prinsipyo, parang halamang dagat lang na sumusunod-sunod sa agos ng alon.

Si Pacquiao ay matalino sa boksing, 8-division world champion siya, pero kulang sa kaalaman para maging senador o mambabatas ng Pilipinas. Natapos nga niya ang kanyang termino sa Senado na walang nagawa kundi ang magkalat sa pakikipagdebate sa mga mahuhusay na mambabatas. Pareho nga lang sila ni Robinhood Padilla na nagsusuklay lang ng bigote sa plenaryo. Animal!!!



Isa pa itong Quiboloy, ang self-proclaimed “Son of God” na nakakulong ngayon dahil sa mga kasong pananamantala (no bail) sa mga batang babae, pag-abuso sa kanyang mga dating staff, at marami pang high crimes na nakasampa sa Amerika.

Nang tanungin si Quiboloy ng political analyst na si Professor Malou Tiquia nitong Pebrero 11 kung bakit tumatakbo siyang senador, ang sagot niya: “Ginulo nila ang buhay ko, ginulo nila ang ministeryo ko. Ngayon, guguluhin ko sila.”

Ayan! Maliwanag na kaya siya kumakandidatong senador ay para manggulo sa Senado, hindi ang magsilbi sa Republika ng Pilipinas. Tsk tsk tsk…

Oo! ang ganitong kandidato ay hindi na dapat ilagay sa Senado, sayang ang taxpayers money sa kanila. Maraming kandidatong senador na malilinis ang budhi, na ang tanging rason sa pagtakbo ay ayusin ang gulong ng ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan.

***

Ikinakampanya ni ex-President Rody Duterte ang kanyang mga kandidatong senador, na kapag pinalad ay silang magliligtas kay Vice Presidente Sara sa pagka-impeach.

Ito’y sila Jayvee Hinlo, actor Philip Salvador, Rodante Marcoleta, Jimmy Bondoc, Raul Lambino,  Bong Go, Quiboloy, Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kapag nahalal ang mga taong ito, ibig sabihin ay napakalaki parin ng problema ng bansa sa mga botante.

Opo! Dapat maging matalino na tayo sa pagboto. Mga educated na tayo eh. Halos lahat tayong Pinoy ay nakapag-aral na.

Kaya dapat ay tama ang ating inihahalal.

Tandaan: Ang boto ninyo ay repleksyon ng inyong pagkatao. Kung mabuti kang tao, dapat tamang kandidato ang ihalal.

God save Philippines!