Advertisers
KUMAMADA si Karl-Anthony Towns ng 40 points at 12 rebounds, Josh Hart nagdagdag ng 30 points at 10 rebounds upang buhatin ang New York Knicks sa 128-115 wagi laban sa Indiana Pacers Martes ng gabi sa Gainbridge Fieldhouse.
Nagwagi ang New York sa Indianapolis sa unang pagkakataon noong Abril 2023.Ang Knicks ay nabigo ang lahat ng three road games sa nakaraang season’s seven-game Eastern Conference semifinal series laban sa Pacers.
Towns ay umiskor ng 24 points sa first half, nagawa ang 9-of-12 mula sa field. Siya ay 14 of 23 mula sa field, Habang si Hart ay nalimitahan sa 12 of 16 mula sa field.
Three-time All-Star Pascal Siakam umiskor ng 24 points para sa Indiana.Thomas Bryant pumalit sa puwesto ni injured Myles Turner (strained neck) may 18 points at nine rebounds.Bennedict Mathurin nag-ambag rin ng 18 points.
Hindi nasindak ang pangkat ni Coach Tom Thibodeau kahit wala ang injured forward OG Anunoby at sa gabi na si Jalen Brunson ay nasa serious foul trouble.Inakay nina Towns at Hart ang team sa panalo.
Umaasa ang Indiana na mabawi ang momentum matapos mabigo ang dalawa sa kanilang final three sa four-game road trip. Nahirapan ang Pacers na makahanap ng stopper laban kay Towns or Hart at masamang shooting mula sa 3-point range.