Advertisers
Sa isinagawang press conference bago ang naganap na kick off rally kahapon ng senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa Laoag City ipinagmalaki ni Senador Francis Tolentino ang kanyang mga naiambag na mga batas para sa Norte o Ilocos Region.
Kabilang na aniya dito ang Republic Act 11705 o pagtatayo ng tertiary hospital Candon City na tatawaging Ilocos Sur Medical Center; ang RA 11755 ang pag convert ng Ilocos Sur Polytechnic State College sa Sta Maria bilang State University at ang pagtatayo ng College of Medicine sa Don Mariano Marcos Memorial State University.
Humahanga rin si Tolentino sa mga taga Norte dahil ito ay kumakatawan sa kasipagan at disiplina ng mga Pilipino.
Samantala nilinaw naman ng muling tatakbong senador sa halalan na isa sa dahilan ng kanyang pagsapi sa alyansa ay dahil sa nagkakaisa sila ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa pananaw sa West Philippine Sea na ang gobyerno ay dapat multilateral, at hindi yung sa pagitan ng Pilipinas at China lamang.
Tama aniya ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon na joint exercises noong nakaraang linggo kasama ang US, Japan, Australia, at Pilipinas para sa paninindigan sa ating soberanya.
Si Tolentino ang gumawa ng batas tulad ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na napapakinabangan na ngayon sa isyu sa WPS.
Dahil sa mga naturang batas tama ang ginagawa aniya ng Navy at Coast Guard, na pag china-challenge nila ang mga barko ng China na lumalapit sa Bajo de Masinloc (Zambales) at Pangasinan, sinasabi nila na “You are violating the Philippine Maritime Zones Law! This is our territory! Please leave immediately!”