Advertisers

Advertisers

PEKE NA PAIHI/BURIKI DRIVE SA BATANGAS!

0 1,206

Advertisers

MATAPOS ang magkakasunod na indulto sa mga pugad ng paihi/ buriki sa Batangas ay iniutos ng PNP hierarchy na ipatigil ang operasyon ng lahat na mga suwail na operator ng paihi ng oil at petroleum product sa buong CALABARZON, sa mga lalawigan ng Central Luzon at iba pang lugar sa bansa kung saan talamak din ang ganitong uri ng kailegalan.

Aakalain na totoong-totoo ang stop paihi/ buriki operation order ng tanggapan nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas ngunit sa kabila pala ng atas na ipatigil ang paihi/buriki operation sa buong bansa lalong-lalo na sa mga lalawigan ng CALABARZON ay largado pa rin ang nakawan sa mga kuta ng ilang paihian lalo na sa hurisdiksyon nina Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr.

Tatlo pang sindikato ang aktibo ang operasyon tulad ng nagkukuta sa mga Brgy. San Pedro sa bayan ni Bauan Mayor Ryan Dolor at Police Chief LtCol. Ryan Hernandez.



Ang 10 kataong miyembro ng sindikatong pinamumunuan ng isang Batangas PNP official at ng tahirang paihi/buriki gang leader na si alyas Bryan ang itinuturong responsable sa malawakang oil, petroleum at Liquified Petroleum Product Gas (LPG) pilferage sa karagatan at katihan na sakop ng Batangas City, Bauan at Mabini.

Pagkakatapos makapagnakaw ng petroleum at LPG product ay ipinadidiliber nina Bryan at ng kasosyo nitong police official ang mga nakaw na produkto sa ibat ibang distrito ng lalawigan ni Batangas Governor Hermilando Mandanas.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan sa ating pitak ang delivery ng mga nakaw na krudo, gasolina sa mga kompanyang gumagamit ng makinarya, tulad ng sawmill, power plant at iba pang industriya liban pa sa ang mga ito din ang nagbebenta ng malalaking kantidad na LPG sa ibat ibang outlets sa buong Rehiyon ng Timog Katagalugan.

Ang kaway ng milyones na salapi galing sa ilegal, lalo na nga sa pagpapanakaw at pagpapabenta ng petroleum at LPG product ang siya ngayong isa sa pinakamakaling source of income ng ilang makakapal ang mukha at malakas ang loob na aktibo pa namang opisyales ni PNP Chief Marbil at Region 4A head BGen. Lucas.

Katunayan ayon sa ating police at grapevine sources ay umabot sa Php 3M na nakaw na produktong petrolyo at LPG ang naipadeliver ng police official at ng drug pusher ding si Bryan sa industrial companies sa mga bayan ng Lemery, Balayan, Calaca, Lian, Nasugbu, Calatagan, Tuy iba pang mga munisipalidad ng 1st at 2nd District ng Batangas kamakalawa ng gabi. Idedetalye ng SIKRETA ang modus operandi ng naturang pulis at ni Bryan sa mga susunod nating pitak.



Tatlo pang katulad nitong sindikato ang nag-ooperate naman sa Batangas City at ang mga ito ay ang pinatatakbo ng grupo nina alyas Rico Mendoza, Mike Mendoza, Etring Hidalgo aka Payat at Efren sa Brgy. Banaba South Bypass Road sa tapat lamang ng Toyota Cars Parking Area at sa Brgy. Banaba West Bypass Road malapit sa Integrated School at UC Gasoline Station at ang inooperate ni alyas Balita sa beach resort sa Brgy. Simlong pawang sa Batangas City.

Kunyari ay sinakote ng Batangas PNP at ipinatigil na ang mga operasyon nina Mendoza bilang pagtalima sa atas nina PNP Chief Marbil at ni RD 4A BGen. Lucas, ngunit mukhang napaikutan lamang ng kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyales ang naturang PNP top brasses.

Bukol ang inabot ni Batangas OIC-PD Col. Malinao Jr. at ng kanyang kapulisan kaugnay sa pagkasabat sa milyones na halaga ng paihi na petro products sa bayan ng San Juan, Batangas noong February 4, 2025.

Kapag muling nakasalisi at na-raid na naman ng mga operatiba nina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief MGen. Nicolas Torre III at Bureau of Customs (BOC) agents Bienvenido Rubio ang mga kuta ng paihi/buriki sa bayan ng Bauan at Batangas City ay lalo pang sasakit ang ulo ng nabukulan ng si Col. Malinao Jr. Baka tuluyan pa na masibak na ito sa pwesto at madiskarel ang kanyang police career, kasama ang ilan niyang hepe ng kapulisan?

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144