Advertisers

Advertisers

Mommy nagbenta ng malalaswang larawan ng anak, hinatulan ng ‘life’

0 13

Advertisers

HINATULAN ng habambuhay na pagkakakulong at P2 milyong multa ang isang ina na nagbenta ng mahahalay na larawan at video ng kanilang anak sa online, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes.

Sa desisyong inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 86 noong Pebrero 4, 2025, napatunayang nagkasala ang ina sa paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) Law at sa Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

Ayon sa DOJ, nagsimula ang kaso mula sa ulat ng Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa mga sangkot sa OSAEC.



Nagsagawa naman ang Philippine National Police (PNP) ng entrapment operation kasunod ng imbestigasyon, kungsaan nahuli ang ina at ang asawa nito.

Natuklasan ng mga awtoridad na napilitan ang mga bata magsagawa ng malalaswang aktibidad online habang kausap ang isang undercover agent.

Kahit nahuli rin ang ama, napawalang-sala ito dahil sa kakulangan ng ebidensya, ayon sa DOJ.

Binigyang-diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang tungkulin ng mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak, hindi ang pagsamantalahan mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">