Advertisers

Advertisers

Mark BFF ang may ari ng bar kaya game agad magsayaw

0 11

Advertisers

Ni: Mercy Lejarde

MAY nakapagkwento sa amin na kaya pala nagsayaw sa isang bar si Mark Herras ay kaibigan nito ang may ari ng Apollo bar na si Genesis Gallios.

Simpleng tinanong lang daw ni Genesis si Mark kung gusto ng raket dahil alam naman daw ni Genesis na may anak na si Mark at need ng raket.
Guest lang naman at disente naman yung show



Nung January naka- dalawang show siya at ngayong February ay dalawa ulit.

At siyempre tinanong din namin ang nag-tsika sa amin kung magkano ang entrance fee.

“500 hind pa rin nagbago ng entrance fee. Pero grabe naman ang dami ng taong gusto s’yang mapanood”.

And take note dagdag pa ng ka-tsika namin ang dami raw indecent proposal kay Mark.

***



Full support ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o ang KBP sa pagbibigay muli ng prangkisa sa ABS-CBN.

Ito ang kinumpirma ng abogado ng KBP na si Atty. Rudolph E. Jularbal sa isinagawang briefing ng House Legislative Franchises Committee hinggil sa franchise ng ABS-CBN nitong nagdaang February 4.

“First of all, KBP supports the grant of franchise to ABS-CBN. I would like to start by saying that ABS-CBN was a very active member of the KBP,” pahayag ni Atty. Jularbal.

Pinuri rin niya ang ABS-CBN sa kakayahan nitong mag-produce ng magandang mga palabas na kayang makipagsabayan sa kompetisyon noong sila ay umeere pa sa free TV.