Advertisers

Advertisers

MARCOS MAY PAALALA SA LOCAL CANDIDATES

0 7

Advertisers

NAGPAALALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kandidato na bagama’t nagsimula na ang kampanya para sa national candidates, ang mga lokal na opisyal ay maghihintay pa ng anim na linggo bago sila pormal na makapagsimula ng kanilang campaign period.

Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos dumalo sa pagtitipon ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo na mainit ang labanan sa lokal na halalan, na ayon sa kanya, ay pinakamainit sa barangay level dahil sa personal na koneksyon ng mga botante.



Gayunpaman, ipinaalala ng Chief Executive na kahit mainit ang labanan, ang diwa ng demokrasya ay ang muling pagkuha ng mandato ng taumbayan upang magampanan ang tungkulin sa publiko.

Kaya bilang paalala sa mga kandidato, hinikayat ni Pangulong Marcos na huwag kalimutan ang tunay na layunin ng paglilingkod sa bayan kahit na mainit ang mga talakayan at maaanghang ang mga salita.

Dagdag pa niya, matapos ang halalan, mahalagang maghilom ang anumang hidwaan upang sama-samang makapagsilbi para sa kapakanan ng bayan. (Gilbert Perdez)