Advertisers
MAY higing na posibleng magbalik-coach si Basketball Living Legend ROBERT ‘Sonny’ JAWORSKI popularly called JAWO at excited ang avid fans ng crowd favorite GINEBRA SAN MIGUEL.
Well, alam po naman natin na sa existence ng social media, sobrang aktibo ng netizens, mula followers hanggang bashers. Yun lang, nagkalat din ang fake news sa naiibang kakayahan ng ibang Pinoy na gumawa ng content o magpakalat ng walang linaw na info. Abangan po natin.
Syempre, push to the max ang supporters at fans ng GINEBRA team. Iba nga ang tatak ng isang JAWO, ang popular Playing Coach ng GINS na humawak ng posisyon taong 1985 at nag-champion ang team the following year with MARLOU AQUINO na kinuha nilang starplayer.
Teka lang, kung may mga nagsasabing hindi ganun kagaling na player at coach si JAWO, anong meron at bakit naging Basketball Living Legend siya? Talo o panalo, apaw ang alinmang venue ng top professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) pag GINEBRA ang nasa hardcourt since the time na naging synonymous halos ang team sa name na ROBERT ‘Sonny’ JAWORSKI.
Iba nga naman ang charisma ng isang JAWO who made a difference sa bagsik when it comes to ‘balyahan’ blues. Kilala po siyang balyador na BIG J pero never bibitiw ang followers. Isang magic niya ang pagka-malapit sa puso ng fans. Sa tingin nila, kahit di malakas ang team, kaya niyang mapa-champion sa galing ng motivation at strategy, na kinokontra ng iba, saying na di sya lang ang coach na ganun.
Dati pa po yun, naging Senador na nga siya based na rin on popularity at matagal na rin nawala sa caging limelight. Ang tanong; bakit ang ‘Never Say Die ‘ spirit ng team na boosted ng fans ay hot at nananatiling maningning? Evident yan sa suporta ng crowd pag jampacked ang PBA venues sa game nila at umuugong ang cheering crowd.
Sa kabila ng past criticisms na bumaba ang PBA crowd attendance kahit post pandemic period na, apaw ulit ang PBA venues ngayong Season 49 sa pamamayagpag ng GINS. Hitik ang crowd to watch the game live, kahit tambak naman din ang supporters ng opponent teams na kandidato sa championship ng Commissioner’s Cup.
Sa hanay ng socmed platforms na nariyan to watch the PBA games, it’s not surprising na bumababa rin ang crowd attendance, affected pa ng traffic at inflation, mahal na ang tiket. Ano ngayon ang masasabi natin sa balik-apaw ng PBA? Ang isa pang tanong, bakit kailangan magbalik-coach si former Senator JAWO’ if hirit ang GINS kay winningest champion Coach TIM CONE? Another fake news nga kaya? So there!
On the road to golden year ang PBA na nagbukas wayback 1975.Di pa ba obvious na ito ang one and only pro league to stand high amid trials of this challenging era? Paparami pa ang lumilitaw na liga inspired by PBA cagers, Dream ng bawat aspiring basketball player na makalaro sa PBA, from budding or neophyte, rookies and professional cagers, hinahatak ng pangarap na maging one of the PBA Greatest Players in the record, admit it or not..Personal observation and analysis lang po. Love Sports!
FEBRUARY CHEERS.
HAPPY BIRTHDAY to MARIEL DIOLA and REBECCA SANTIAGO of HRM Department, Mandaluyong LGU, to REGINA PALAD of Calamba, Laguna and VALERIE ROCA (AU). HAPPY VALENTINE’S DAY everyone! HAPPY READING!