Advertisers

Advertisers

Flying Titans, HD Spikers unahan sa playoff

0 6

Advertisers

PUNTIRYA ng Choco Mucho at Cignal na patatagin ang kanilang kanya-kanyang playoffs bid kapag nagharap sa magkahiwalay na kalaban Huwebes Pebrero 13, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magkaparehong may 6-3 rekords at third place kasama ang PLDT High Speed Hitters, kapag parehong manalo ang Flying Titans at ang HD Spikers tatatag ang kanilang seat sa loob ng Top 4 at didikit sa second-running Petro Gazz Angels (8-1).

Gayunpaman, ang Choco Mucho ay hindi sasabak sa alas 4 ng hapon laban sa Nxled matapos magwagi ang Chameleons at makamit ang kanilang kauna-unahang tagumpay laban sa Galeries Tower Highrisers nakaraang Linggo para sa 1-8.



Dindin Manabat, Isa Molde at Chery Nunag tinatag ang Flying Titans’ formidable frontline, kung saan tatapatan sila ng Chameleons’ Chiara Permentilla, May Luna, Jaycel delos Reyes at Lycha Ebon.

Umaasa si Nxled coach Ettore Guidetti na makita ang kanyang stalwarts na ipakita ang parehong firepower na kanilang ginawa nakaraang araw para mapanateli ang momentum.

“In the beginning, honestly, there was a big gap between us and some of the other teams. Right now, we’ve shortened the gap and I was really waiting for the day that finally we can click and win a very high and difficult set. Thank God that day has come. That day is today, so we are looking for more in the next game and to show everyone that this is nothing but the beginning,” Wika ni Guidetti matapos makupo ang kanilang unang panalo.