Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
VALLEJO CITY – Nag-alay kami ng bulaklak at panalangin sa puntod ng aking bunsong kapatid, si Maria Aurora Medina Kumano, o mas kilala sa Au-au o Ate Au, na naging miyembro ng Vicor Dancers at Solid Gold Dancers. Lumabas siya sa produksyon ni Dolphy, kasama sina Alma Moreno at Rolly Quizon, sa mga pelikula ni rapper-comedian Andrew E at ni Kris Aquino.
Naging choreography instructor din siya sa German Moreno’s That’s Entertainment ng GMA7. Madalas din sila sumasayaw sa Eat Bulaga noon. Ate Au ang tawag ni singer Yeng Constantino (pinsan ko) sa kapatid ko.
Ako ang unang dancer kaysa kay Au. Madalas akong sumasali sa mga patimpalak noon. Minsan nasungkit ko ang John Travolta of the Philippines championship sa Pistang Pilipino na pagmamay-ari ni Ofelia Trinidad. Pero nakahiligan kong sumali sa IQ-7 ng GMA Network’s Student Canteen noon.
Hindi nakapagtataka na nakihiligan namin ang arts dahil ang National Artist for Dance ay tiyahin namin, si Leonor Orosa-Goquingco at pinsan namin si Ramon G. Orlina, ang Father of Philippine Glass Sculpture. Kamag-anak namin ang LVN director Felicing Constantino.