Advertisers
Inaresto ang tatlong katao ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na nagbebenta ng mga pekeng Government Identification Card sa on line sa magkakahiwalay na operation sa Quezon City at Zamboanga City.
Ayon kay BGen Bernard Yan, Dir. PNP-AKG, sa isinagawang operation sa Novaliches, Quezon City, naaresto ng mga elemento ng Anti-Cybercrime Unit ng Northern at Quezon City Police ang suspek na kinilala sa alias Marie.
Sa ulat, nagbebenta ang mga suspej ng mga pekeng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ID sa FAcebook.
Nasamsam sa suspek ang 5 pekeng Philhealth ID at 3 pekeng Tax Identification number(TIN) ID.
Samantala, sinabi ni Yang na dalawang suspek ang naaresto sa isnagawang entrapment operation sa Zambaonga City.
Nakilala ang dalawang naaresto sa alias Chan at Nica na nagbebenta ng mga mga pekeng government ID sa facebook.
Sa report, nagbebenta ang mga suspek ng ID sa halagang P400 hangang 600 bawat isa.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong “falsification by private individuals and use of falsified documents in relation to the Cybercrime Prevention Act.(Mark Obleada)