Advertisers

Advertisers

TOLENTINO IBABALIK SA SENADO

0 7

Advertisers

ARANGKADA na ang karera ng national midterm elections 2025.

Dapat nating tandaan na masyadong matagal ang isang termino sa mga crook na politiko at tunay namang maigsi para sa mabuting lider.

Isa si Senator Francis ‘Tol Tolentino sa mga mabuting public servant na sadyang maigsi ang isang termino lang sa pagiging Mambabatas na marapat lang na ihalal muli para sa panibagong mandato bilang Senador.



Ang Senate of the Philippines ay mataas na institusyong binubuo lang dapat ng mga cream of the crop na legislators sa Republika ng Pilipinas.

Sila ang mga natatanging mambabatas na statesman na propesyunal, matatalino, eksperto sa batas at may malasakit para sa kabutihan ng bansa.

Dapat ay walang Senador na naluklok lang dahil sa popularidad, celebrity sa showbiz and sports at meron namang may mag-aaral pa lang ng batas kapag naluklok na puwesto partikular din iyong mga magnanakaw lang ng kaban ng bayan.

Si reelectionist Senator Francis ‘Tol Tolentino, isang batikang abogado at naging public servant ng matagal na panahon ay ang isa sa pinaka-epektibong lawmaker sa August Chamber anumang partido ang kinaaaniban.

Maging matalino sa pagkakaloob ng mandato.Nariyan si ‘Tol Tolentino na ang serbiyo ay di mapuputol para sa Pilipino.



Si ‘Tol na utol ng isa pang magiting na lider sa pulitika at sports na si POC president Cong.Abraham ‘Bambol Tolentino at si ‘TOL din ang pangulo ng NSA na Kickboxing Association of the Philippines.

Kaya mga utol..babalik si ‘Tol sa plenaryo…

ABANGAN!

Lowcut; Advance birthday greetings sa ating tsokaran kaiaport na si SG Vhergel Divina diyan sa McDonalds Libertad sa Pasay City on Feb.15. Jam na Ka Verghel at sa lahat staff ng Mc Do Libertad, Pasay.