Advertisers
NAPANA nina Paris Paralympian Augustina Bantiloc at Marzel Burgos ang bronze medal matapos patalsikin ang Hong Kong, 140-134, sa compound mixed event ng 2025 Asia Para Cup – World Ranking Tournament sa Bangkok, Thailand.
Bantiloc, ang nag-iisang archery na pambato ng Nationals sa French capital nakaraang taon, at Burgos nakarekober sa nakakalungkot na simula ay bumawi sa final frame para matimbog ang third spot Chan Yuen Wah at Ngai Ka Chuen ng Hong Kong.
Ito ay ang pangalawang bronze para kay Burgos at sa Pilipinas na dating unang nagwagi sa compound men’s open team kasama si Angelo Manangdang.
Mabilis na pinatumba ng Filipino pair ang Malaysia’s Wiro Julin at Daneshen Govinda Rajan, 141-140, sa kanilang bronze-medal showdown.
Bago masungkit ang kanilang medalya,ang No.6 seed PH duo ay nagpahiwatig at na-upset ang No.3 Thailand,146-145, sa quarterfinal.
Gayunpaman, naglaho ang kanilang momentum sa semifinal kung saan yumuko sila sa No.2 India via 150-142 decision.
Sa huli ang Indian ang nangibabaw sa tournament tinalo nila ang No.1 seed Indonesia, 150-148, sa final.