Advertisers

Advertisers

Mister namatayan ng misis, nanakal na pasahero sa jeepney

0 4

Advertisers

Viral ngayon ang video ng biglaang pagsakal ng isang lalaki sa kapwa pasaherong babae habang umaandar ang jeep sa Bago Aplaya sa Davao City, nitong Lunes, Pebrero 10.

Arestado naman ang suspect na kinilala sa alyas na “Renzo” habang ang biktima itinago naman sa pangalang Anna, 19-taong gulang.



Sa inisyal na imbestigasyon ng Davao City Police, lulan ng jeep si Anna nang bigla siyang sunggaban at sakalin ni Renzo at may pinagdadaanan umano ang suspek at nakainom ng alak.

Ang suspect ay sumampa sa behikulo at tinabihan ang biktima na sinabi pang “Mamatay ka na rin, mamatay ka na rin,” habang sinasakal ang babaeng pasahero.

Sinaklolohan naman si Anna ng mga lalaking kapwa nito pasahero sa jeep hanggang sa dumating ang nag¬respondeng mga pulis at arestuhin ang suspect.

Kamamatay lamang daw kasi ng asawa nito at problemado rin kung paano niya bubuhayin ang dalawang anak dahil wala siyang trabaho.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">