Advertisers

Advertisers

Kickoff campaign ng ‘Alyansa’ umarangkada na sa Ilocos Norte

0 32

Advertisers

LAOAG CITY – Opisyal nang umarangkada nitong Martes, Pebrero 11, ang kickoff campaign ng ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ (APBP), ang senatorial bet ng administrasyon, sa balwarte ng pamilya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr dito.

Mismong si Pangulong Bongbong ang mangunguna sa campaign kickoff sa Ilocos Norte Centennial Arena ng Laoag kasama ang mga lokal na ehekutibo at mga supporter upang ipakilala sa publiko at iendorso ang kandidatura ng powerhouse lineup na senatorial candidates sa ilalim ng koalisyon ng ‘Alyansa’.

Pinangunahan ni ‘Alyansa’ campaign manager, Navotas City Rep. Toby Tiangco, ang pambungad na kickoff rally ng administration candidates na binubuo ng mga subok na lider.



“Ngayon po ang unang araw ng kampanyahan, at makikita ninyo—hindi lang tayo basta-basta nagbuo ng isang senatorial slate. Tayo po ay nagbuo ng isang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas,” paliwanag ni Tiangco sa ginanap na pulong-balitaan.

Ayon kay Tiangco, bawat kandidato sa ‘Alyansa’ ay may subok na track record at handang ipagpatuloy ang mga economic at legislative agenda ni Pangulong Bongbong.

“Makikita po natin sa ating mga kandidato na lahat sila ay may napatunayan na. Hindi lang sila nangangako, may nagawa na, at sila po ay makakatulong sa pagsulong ng mga programa ng ating Pangulong Bongbong Marcos,” dagdag nito.

Binubuo nina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Pia Cayetano, Senator Imee Marcos, Senator Lito Lapid, mga dating senador Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis Tolentino, dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar ang senatorial lineup ng koalisyon.

Habang lalong umiiinit ang pangangampanya, inaasahang ipababatid ng ‘Alyansa’ ang mga kuwalipikasyon, track record at magkakatulad na bisyon sa paglilingkod ng bawat senatorial candidate ng administrasyon.



Ipinakikita ng ‘Alyansa’ na isa itong senatorial ticket na handang kumilos para sa pagbangon ng ekonomiya, pagkontrol sa inflation, paglikha ng mga trabaho at pagiging epektibong mga lider ng gobyerno – ilang mga kritikal na isyu habang palapit ang midterm elections sa Mayo 2025.

“Sila po ay magiging katuwang natin sa Senado, kasama sa pagharap at paghahanap ng mga solusyon sa ating mga suliranin,” sabi pa ni Tiangco patungkol sa 12-member senate slate ng ‘Alyansa’

Nagsisilbing simbolikong panimula ng kampanya ng ‘Alyansa’ ang Ilocos Norte, na balwarte ng Pamilya Marcos, para malakas na simulan ang campaign rally para sa midterm polls.

Ang paglulunsad ng kampanya ng ‘Alyansa’ sa Ilocos Norte ay simula pa lamang ng mas malawak at mas agresibong paglilibot sa bawat sulok ng bansa para ilapit sa mga mamamayan ang 12-member senate slate ng administrasyon.

Bukod sa Ilocos Norte, maglulunsad din ng mga kickoff rally ang ‘Alyansa’ sa Iloilo City, Carmen sa Davao del Norte at sa Pasay City, na nagrerepresenta sa tatlong malalaking rehiyon sa bansa. (CESAR MORALES)