Advertisers
Mahigit sa 900 residente na medyo kapos sa budget ang nabiyayaan ng ayuda ng ‘Pinoy Ako Partylist’ sa Sitio Pantay, Brgy. Dalig sa nabanggit na bayan.
Bukod dito, nagsagawa din ng medical mission ang nabanggit na grupo bilang malasakit sa mga lolo’t lola at mga bata kasabay ng pamamahagi ng libreng gamot.
Nagpasalamat naman ang daan-daang residente sa libreng tanghalian at feeding program na ibinahagi ng ‘Pinoy Ako Partylist ‘.
Ayon kay Atty. Apollo Emas, isa sa nominado ng grupo, sakaling s’ya ay palarin sa nalalapit na eleksyon nais n’yang tulungan at bigyan ng hanapbuhay ang mga kababayang madalas umaasa lang sa ayuda ng gobyerno.
Layunin din ng grupo na matiyak ang kalusugan ng bawat PINOY lalo na umano ang mga lolo’t lola at mga bata.
Kasabay nito, nagpasalamat ang “Pinoy Ako Partylist” sa mainit na pangtanggap ng mga residente sa lugar.
Abot-abot naman ang pasaalamat ng mga Terezaliño kay Atty. Emas 4th nomini ng Partylist.
Ayon sa mga ito, malaking bagay ang mabigyan ng atensyon tulad ng ginawa ng grupo ni Atty. Emas dahil bilang sa daliri ang mga Partylist na dumarayo sa liblib nilang lugar.
Bukod sa pagsulong ng mga karapatan ng mga katutubo o ideginous people’s, nais din tulungan ng grupo ang mga manggagawa.
Panghuli, nais din ng Partylist na magtayo ng isang unibersidad para sa mga kababayang katutubo.