Advertisers
NADAKIP sa entrapment operation ng CIDG-National Capital Region Field Unit ang 3 suspek na sinubukang mangotong ng P90 milyon sa kandidato sa pagka-mayor at vice mayor ng Cagayan kapalit umano ng siguradong pagkapanalo nila sa paparating na eleksyon.
Ayon kay CIDG Director, Brigadier General Nicolas Torre III, nadakip ang mga suspek sa loob ng isang mall sa Marikina City sa entrapment operation ng mga operatiba ng CIDG-NCR.
Humingi kasi ng tulong sa CIDG ang dalawang biktima, isang tumatakbong mayor at vice mayor sa bayan ng Enrile, Cagayan Valley dahil sa panghihingi ng grupo ng mga suspek, na nagpakilala na IT experts ng Comelec, ng P90 milyon kapalit ng kanilang siguradong pagkapanalo sa 2025 midterm elections.
Nakipagkasundo ang complainants na magbibigay ng paunang bayad sa mga suspek ,subalit lingid sa kaalaman ng mga ito nagsumbong na sila sa CIDG, at ikinasa ang entrapment operation laban sa kanila.
Bukod sa 3 nahuli, pinaghahanap pa ang apat pang kasama ng mga suspek na nakatakas sa operasyon.
(Mark Obleada)