Advertisers

Advertisers

Unahin ang buhay ng tao, health care system paigtingin kaysa magarbong opisina at kamusta ang nanalong bidder Philjaya Const. ng P9.6B new Pasig City Hall?

0 20

Advertisers

Unahin ang Buhay ng Tao, Health Care System Paigtingin kaysa Magarbong Opisina at Kamusta ang Nanalong Bidder Philjaya Const. ng P9.6 B New Pasig City Hall?

Para kay Pasig City Mayoralty candidate Ate Sara Discaya, mas nararapat bigyan ng atensiyon ang buhay at kaligtasan ng tao hindi lang ng mga Pasigueno kundi sa buong bansa kaya dapat na iangat ang kalidad sa usaping pang Kalusugan.

Mas bibigyang pahalaga ni Discaya at tututukan niya ang Health Care System sa Lungsod ng Pasig sakaling palarin ito na mahalal bilang Alkalde ng Lungsod.



Sa ginawang pagbisita ni Discaya mga Ka Usapang HAUZ sa mga pampublikong hospital partikular sa Pasig City General Hospital hindi nito mapigilang maluha dahil sa kalagayan ng mga pasyente ruon na ang problema ay kakulangan ng mga pasilidad samantalang ang ibang nais magpagamot ay mga nakasalampak na sa sahig na semento at naghihintay na tawagin ang pangalan para matignan.

Kaya mga Ka Usapang HAUZ hindi naiwasang magbigay ng mga pahayag itong si Ate Sara Discaya na hindi niya bibiguin ang mga Pasigueno sakaling pagkatiwalaan siya na manalo sa darating na eleksiyon lalong lalo na pagdating sa kalusugan.

“Kabilang rin sa mga dapat bigyan ng matinding atensiyon ang Education hindi lang para sa mga bata kundi maging sa mga may edad na nais maipagpatuloy ang pag-aaral hanggang makatapos, alam dapat ng mamamayan ng Pasig kung saan napupunta ang kinikita kaya’t napakahalaga ng Transparency, kasuhan at tanggalin ang mapapatunayan na sangkot sa korapsiyon, at ang pabahay, gagaling ka nga sa iyong sakit wala ka naman tutuluyang bahay”. Pahayag ni Discaya.

Labis din palang nabahala at naawa itong si Pasig City Mayoralty candidate Ate Sara Discaya sa naganap na pamimigay ng Ayuda para sa mga Senior Citizens nitong nagdaang Disyembre, umabot sa labas ng City Hall ang pila ng mga pobreng matatanda na ang iba ay nagsihilo dahil sa gutom na ang rason ay ayaw umalis sa pila at masingitan.

Kaya mga Ka Usapang HAUZ nangako si Ate Sara na isasama niya sa kanyang prayoridad ang mga Senior Citizens at gagawa siya ng mga hakbangin upang hindi na mangyari pa ang pahirap na kanilang naranasan nitong nakalipas na Kapaskuhan.



“Unahin na muna natin ang mga mas importanteng paglilingkod sa mamamayan ng Pasig kesa sa ipokus ang atensiyon sa magarbong opisina na sa kalaunan ay pagpapatungan lang ng mga paa sa lamesa”.

***

Kamusta na kaya ang nanalong bidder ng tumataginting na P9.6 bilyon Modern Pasig City Hall ang Philjaya Const.?

May nakapagbulong sa Usapang HAUZ na masakit ang ulo nitong Philjaya Const dahil sa pagsisiwalat na labis labis ang 9.6 bilyong piso sa proyekto at magagawa ang gusali ng New Pasig City Hall na kahit 1/3 lang ng naturang halaga ang gagamitin. Wow na wow
Transparency is the best policy.

Siguro kung ang nanalong bidder na Philjaya ay sumasakit ang ulo sa naturang proyekto ay nagbubunyi naman ang mga talunang sumali sa bidding tulad ng R2 Builder, China Const., LAP Global at Grace Construction, malamang abot tenga ang mga halakhak ng mga ito.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036