Mga programa para sa Senior Citizens, Mental Health, Pangkababaihan, tututukan ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
SA ilang dekada ng paglilingkod ni Brgy. 497 Chairman at Direktor ng Liga ng mga Barangay ni Konsi Bong Marzan, opisyal na kandidato ng local ruling party na Asenso Manileño bilang Konsehal sa District IV ay may kasanayan na sa pagiging isang serbisyo publiko.
Nagsimula bilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman sa nabanggit na barangay, Kagawad ng pareho din barangay, Punong Barangay at Direktor ng Liga ng mga Barangay, Nakita at naramdaman ni Konsi Bong Marzan ang kahalagahan ng totoo, tapat at maaasahang paglilingkod ng isang tunay na public servant.
Noon pa man ay tinututukan na ni Konsi Bong Marzan ang mga programang ng pamahalaan lokal man o nasyunal na nagbibigay pagpapahalaga sa mga Senior Citizens , lalo na sa mga pangangailangang serbisyo ng mga ito tulad ng kanilang kalusugan, medikal at buwang allowances ng mga ito.
Labis na ikinatuwa ni Konsi Bong Marzan ang tuluyang pagsasabatas bilang city ordinance ng pagdoble ng buwanang allowances ng mga seniors na mula P500 kada buwan ay naging P1000 na ito simula Enero ng 2025.
Sa paglagda ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ng City Ordinance 9081 ay tuluyang ng naging batas ang pagdoble ng monthly allowances ng mga senior citizens. Ibig sabihin ay matatanggap na ng mga seniors sa unang payout para first quarter ng taong 2025 ang halaga ng P3000 bawat isang senior citizen sa Maynila.
Isa pa sa pinagtutuunan ng pansin ni Konsi Bong Marzan ay ang mental health issues sa bansa kung saan ang mga kabataan at mag-aaral ang isa sa mga naapektuhan.
Ang tuluyang pagsasabatas nito sa Senador at sa naging paglagda Dito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay isang pag-usad na narinig na nga ng mga mambabatas ang pangangailangan na ito ay tutukan dahil Hindi lamang isyu ng iilan umiiral ba mental health kundi usapin ng mas nakararaming tao, ng mas nakakararaming propesyunal upang matugunan na ito sa simulang nagpakita na ng mga senyales ang isang nagdaranas ng suliranin sa mental health.
Ayon pa kay Konsi Bong Marzan, ang pagkakaroon ng Mental Health Council sa bawat paaralan ay labis na makakatulong upang mabawasan ang dumadaming kaso ng mental health problems lalo na sa mga kabataan.
Isa pa sa programang tinututukan ni Konsi Bong Marzan sa kasalukuyan ay ang programa tungkol sa kababaihan. Kaya Naman labis na ikinatuwa nito ang programa ng lokal ng pamahalaan ngungsod sa pakikipagtulungan ng TESDA at PESO-Manila.
Kamakailan ay Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang isinagawang training na tinawag na “Kabuhayan Para sa Kababaihan” katuwang ang TESDA-Manila at PESO-Manila kung saan binigyan din ng raw materials ang mga kalahok para sa kanilang initial inventory.
Bukod sa training sa paggawa ng dishwashing liquid soap, nabigyan din ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at mga tips sa pagnenegosyo upang mapalakas ang kanilang kakayahan na kumita ng pandagdag sa kanilang araw-araw na gastusin.
Patuloy ang pagsisikap ng local government na magsagawa ng mga programa at inisyatibo na makakatulong sa mga kababaihang Manileño na mapabuti ang kanilang kabuhayan para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. (ANDI GARCIA)