Advertisers

Advertisers

Mag-dyowang drug den operator, timbog sa buy bust ops

0 10

Advertisers

Arestado ang mag-asawa sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Pdea, habang dinakip rin ang dalawa pa na kasama nito sa Brgy, Calapacuan sa bayan ng Subic Zambales.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad gabi nitong Pebrero 9 ng masukol ang mga suspek sa tahanan ng mag-asawa na umano’y ginagamit na drug den na nag resulta sa pagkakadakip nina alyas Loy ,36 alyas Mae 24 anyos habang arestado rin ang dalawa na sina alyas Cille 45 alyas Vince 38

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 5 plastic scachet na naglalaman ng 8 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 54,400.00 at assorted drug paraphernalias at marked money.



Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Pdea Jail Facility sa City of San Fernando Pampanga, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)