Advertisers
Malaking siyudad ang Los Angeles, nandoon ang Hollywood at makasaysayan ang prangkisa.
Hindi lang nasa lungsod ang mga tagahanga kundi pati sa buong Estados Unidos. Kahit saang sulok ng mundo ay sangkatutak kanilang mga taga-suporta.
Naka-17 na silang tirulo sa NBA. Higit lang ng isa ang mahigpit na karibal na Boston
Mabango pangalan ng Lakers sa players kaya sangkaterba nais magsuot ng jersey ng purple and gold.
Ilan sa mga star na naengganyo maging kasapi nila ay sina Wilt Chamberlain mula 76ers, Kareem Abdul Jabbar galing Bucks, Shaquille O’Neil (Magic), Paul Gasol (Grizzlies) at Anthony Davis (Pelicans)
Si Kobe Bryant ay mismong draft pick ang naipamigay sa kanila. Si LeBron James ay free agent signing naman.
At ito nga si Luka Doncic ay ipinagpalit ng Dallas kay Anthony Davis.
Nang inalok nga raw ng Mavs ay nagulat sila nguni’t hindi na pinalampas ang offer.
Hindi na sila nag-atubili sa pambihirang opportunidad. Heto na nga naman ang hahalili sa bidang role kapag nagretiro si LBJ
***
Naka-siyam koponan na pinaglaruan si Dennis Schroder sa kaniyang NBA career.
Nagsimula noong opening noong Oktubre bilang miyembro ng Brooklyn. Nalipat sa Golden State tapos napunta sa Detriot bago ang trade deadline.
Nag-umpisa ang German sa pro league taong 2013 bilang 17th pick ng Atlanta Hawks. Naging Oklahoma City at ipinamigay sa Los Angeles.
Sa Boston nanan pumirma ng bagong kontrata nguni’t dinala ng tadhana sa Houston Rockets. Nag-2nd tour of duty sa LAL pero sa Toronto nakipagsara ng new agreement Naku sandali lang din doon.
Ano ba problema Mr MVP ng 2023 FIB11A¹ World Cup.
Hndi naman kalakihan suweldo mo pero Ste kang point guard?
Hindi ka naman sig© uro m© ahiraph pakisamahan?
***
Abangan ang mga episode natin tuwing huling Lunes ng buwan sa OKS@DWBL. Pawang mga sports heroes ang ating itatampok. Kasama diyan ang chess legend na Pinoy na si Eugene Torre, at track star Elma Muros. Abangan din ang pangulo ng NSA ng equestrian na si Steven Virata sa ating programang hatid ng Biofresh anti- microbial socks at underwears.