Advertisers

Advertisers

Top1 most wanted sa Carnapping, nadakip sa Bulacan

0 20

Advertisers

Makalipas ang halos isang taon na pagtatago sa batas nadakip na via Warrant Arrest ang lalaki na top 1 Most Wanted sa syudad ng San Jose del Monte Bulacan.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol.Satur Ediong, ganap na alas-1:00 ng hapon nitong Pebrero 8 ng masakote si Joshua Espenilla 30 anyos tubong Taguig City residente ng Sitio Gitna Brgy. Sto. Cristo sa nabangit na lungsod.

Dinakip si alyas Joshua,sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no 5003-M-2024 sa kasong paglabag sa R.A 6539 as amended by R.A 10883” o Anti- Carnapping Law na inilabas ji Branch 120 San Jose del Monte RTC Presiding Judge Hon.Lyn L Llamansares- Gonzales.



Samantala, detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail na may kaukulsng piyansa na P300,000.00.(Thony D.Arcenal)