Advertisers

Advertisers

Sofia tanggap ng socmed ang unang solo soap na ‘Prinsesa ng City Jail’

0 11

Advertisers

Ni Noel Asinas

TANGGAP ng mga Kapuso ang pinagbibidahang serye ni Sofia Pablo na “Prinsesa ng City Jail.”

Base sa isang post ng GMA Drama, nakakuha ang programa ng 88 million views across all social media platforms hanggang nitong January 20! Ibig sabihin, isang linggo mula nang mag-world premiere ito noong January 13, marami na agad ang sumubaybay sa kwento ni Princess. Bukod naman sa success nito online, consistent din ang mataas na TV ratings ng “Prinsesa ng City Jail.”



Talagang maraming napapabilib sa aktingan nina Sofia at Allen Ansay, kasama sina Dominic Ochoa, Denise Laurel, Beauty Gonzalez, at marami pang ibang bigating artista.

Komento ng ilang fans sa GMA Network YouTube channel, “Ganda ng story at magaling lahat ng mga cast. Pagdating sa iyakan, ikaw na talaga, Sofia Pablo! Bigat ng mga eksena, nakakaiyak at nakaka-excite.”

Simula pa lang ng inspiring na kuwento ni Princess kaya tutok lang sa “Prinsesa ng City Jail,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

***

Tony Boy dating Bayanihan dancer kaya feel umindak sa pistahan



DUMALO ang actor/ producer Tony Boy Dela Rea, lead actor sa movie, Ang Paghilom, ng Cine Silang Productions, kung saan co-producer ni Tony Boy ang elder sister, Avelina Asinas Dela Rea, dating PRC Commissioner, sa taunang Silang Fiesta Ball, na ginaganap sa harap ng Simbahang Katoliko, tabi ng Municipal Hall ng Silang, Cavite.

Kasama ni Tony Boy ang inspiration niyang actress, Jean Saburit, at Ang Paghilom co-star Azenith Briones. Pangunahing bumati sa table nina Tony Boy, ang incumbent Mayor Ted Carranza, ng Municipality of Silang, Cavite. Kilala at natandaan niya sina Jean at Azenith.

Taun-taon dumadalo si Tony Boy sa Fiesta Ball ng sinilangan niyang bayan, Silang. Hilig ni Tony Boy ang sumayaw dahil siya’y dating Bayanihan Dancer.

Sa interview namin kay Tony Boy, nasabi niya na parehong malapit niyang kaibigan sina Jean at Azenith. Pero, mas una niyang kaibigan si Azenith. Na-inspired si Tony Boy kay Jean dahil hanggang ngayon ay namamayagpag pa sa mga teleserye ng GMA 7 ang actress. Kontrabida si Jean sa Prinsesa ng City Jail, afternoon soap ng GMA.