Advertisers
Nagsagawa ng Senate Public hearing ang committee Chairman Raffy Tulfo at Sen. Mark Villar noong January 27, 2025 sa Senate building Pasay City. sa paglabag ng RA.4136 Article 4 Section 34.dahil sa tahasan binalewala ang transportation Security Act ng magna Carta ng mga mananakay ng Land Transportation Office (LTO).
Na-alarma ang Committee sa pagtaas ng mga aksidente nagaganap at paglobo na ikinasasawi ng mga mananakay sa bansa at mga biyahero na sakay ng pangpublikong sasakyan.
Ayon sa pagdinig tahasan nilabag ng LTO Ang RA.4136 ART.4 SEC.34! dahil sa walang isinasagawang inspection ang LTO gaya ng pagsusuri ng mga preno, tail lights, at iba pa.para rebisahin ang mga gulong sa lahat ng uring ng pangpublikong mga sasakyan sa bansa kapag nagpaparehistro.
Bagkus smoke emission lamang ang ginagawa ng LTO na pinapasa at pinagawa sa Private Motor Vehicle Inspection Center na siyang kinomisyon ng ahensiya ng DOTR at LTO.
Natrabaho ang Private Emmision Testing Center (PETC) na siyang nagsasagawa ng mga smoke emmission para sa Clean Air Act.
Kaya nakaligtaan ang road worthiness na siyang obligasyon o pananagutan ng ahensiya ng LTO ang mga aksidente na kinasasangkutang ng mga pangpubliko. ay lumubo sa dahilan Smoke Emmision lamang ang pinagtutuonan ng Private Motor Vehicle Inspection (PMVIC).
Dumami rin ang backlog ng nagpaparehehistro sa dahilang 80 sasakyan lamang ang maari e- accommodate para sa smoke emission kada araw sa bawat tanggapan ng LTO tatayang humigit 21 milyon ang bilang ng pribado at pangpublikong sasakyan kasama ang motor.
Kaya nanawagan ang mga iba’t- ibang uri samahan sa bansa na siyang kinatawan ng mga pribado at pangpublikong samahan na busisiin ang mandato ng batas pang sasakyan na bigyan ng konkretong proteksyon ang mga mananakay at huwag ikompromiso ang siguridad.
Dahil lamang sa pangsariling interes ng mga nakatalagang bagong namumuno sa bawat pasok na administrasyon na iniluklok na opisyales sa nasabing ahensiya ng DOTR,LTO at LTFRB.
Inatasan ang DOTR at LTO na ipatigil ang serbisyo ng PMVIC bagkus ipagpatuloy ang pagsasagawa ng inspection sa lahat ng pang publikong sasakyan.ayusin ang mga nasirang facilidad at isinarang mga MVIS LTO dahil hindi angkop ang instrumento kagamitan sa kasalukuyan at dapat huwag ng pakialaman ang PETC.
Dapat gawin ng mga opisyales ng LTO na niluluklok at pinagtiwalaan ng Pangulong BBM ang PMVIC gawin MVIS para ang kaligtasan ng mga mananakay ma protektahan ang publiko.
Katunayan ang PETC para sa mga pribadong sasakyan lamang at MVIC para sa mga trak at bus at mandato ng batas.(Arnel Petil)