Advertisers

Advertisers

MARIS HUMINGI NG SORRY KAY MEME VICE

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

GUEST si Maris Racal sa It’s Showtime last February 5 sa segment ng Tagokanta.

Siya ang partner ng contestant para hulaan ang mystery singer.



But before that, sinabi ni Maris kay Vice Ganda na magsasalita na raw siya.

Pero, pinigilan siya ng Unkabogable Phenomenal Star.

Hindi rin napigilan ng TV host ang Incognito aktres.

Aniya: “Ate, sorry hindi ako nakapag-promote,” na ikinahagalpak ng tawa ng studio audience.

Nag-apologize si Maris dahil hindi siya nakasama sa pagpromote ng MMFF 2024 entty ng movie na And The Breadwinner Is na pinagbibidahan ni Vice which was topgrosser sa naturang film festival.



Kasama si Maris sa movie bilang kapatid ni Meme Vice.

Hindi nakapag-promote ang aktres dahil nung time na yun ay nagkaroon sila ng isyu ng kapareha niyang si Anthony Jennings at ng ex girlfriend ng huli.

Anyway, may sinabi rin si Meme Vice kay Maris.

Pakli nito, “wag kang mag-alala wala kang bonus.”

Napasaya ni Maris ang partner niya sa Tagokanta dahil natukoy niya kung sino ang mystery singer sa tatlong participant singers.

Si Morisette Amon ang nahulaan ng aktres.

***

FRONT act si Martin Nievera sa concert ni TJ Monterde, kamakailan.

Hindi napigilan na maging emosyonal ang Concert King nang magbigay siya ng mensahe sa mister ni KZ Tandingan.

Maging si TJ ay naiyak din sa mensaheng pabatid sa kanya ni Martin. Naikwento ng Concert King kung bakit siya ang front act ng concert ni TJ.

Sinurpresa ni Martin ang mga nanood sa ikatlong gabi ng concert ni TJ.

Ani Martin, “He came out every single CD promo and started the show the way I do it right now. So I thought maybe, one day I could return the favor…”

Hindi rin mapigilang maluha ni TJ habang nakikinig sa backstage.

Nang matapos ang performance ni Martin, muli silang nagkaiyakan ni TJ sa backstage kung saan pinalakas niya lalo ang loob nito at sinabi kung gaano siya ka-proud sa narating ng singer na minsan lang nangarap na magtagumpay sa larangan ng musika.

Malapit din si Martin sa mag-asawa.

Kung matatandaan nung pandemic time kinasal si KZ kay TJ at si Martin ang tumayong ama para ihatid si KZ at iabot ang kamay kay TJ.

Hindi kasi nakadslo ang mga magulang ng Supreme singer na nasa probinsya.

Naging popular si TJ dahil sa kanyang mga hit songs tulad ng “Ikaw at Ako,” “Puhon,” “Sariling Mundo” at marami pang iba. Siya ang mister ng “Asia’s Soul Supreme’ na si KZ Tandingan. Matatandaang naging soundtrack ng pelikulang ‘Hello Love Again’ ang duet nilang mag-asawa sa awiting ‘Palagi.’

Sa dami ng tumangkilik sa naturang awitin, nagwagi ito bilang number one song ng 2024 sa Billboard Philippines. Tinanggap nila ni KZ ang naturang award sa ikatlong gabi ng kanyang concert kamakailan sa Araneta Coliseum.

***

NAGING controversial ang post ng ex husband ni Barbie ‘Shan Cai’ Hsu na si Wang Xiaofei na isang Chinese businessman.

Ang kanyang mensahe, “Wifey, I miss you so much” and “I should be the one who died.”

Agad na nagviral ang mensahe ni Wang na nakapost sa Weibo.

Ayon sa Dimsum Daily, hindi umano naniniwala ang netizens na genuine ang pagdisplay ng affection ng ex husband kay Shan Cai.

Komento ng netizens, “delayed love is worth less than grass.” Others criticized him for still calling Barbie “Wifey,” questioning its appropriateness given his current marriage and how his wife might feel about such remarks.

Sina Wang at Hsu ay nag-divorced year 2021 at muling nagpakasal sa South Korean musician na si DJ Koo.

Bago pumanaw si Barbie ay nagpadala pa siya ng tribute sa asawang musician.

Iyon ang last post ni Shan Cai sa kanyang Instagram.

Samantala, DJ Koo shares final kiss with Barbie Hsu, bid farewell sa namayapang misis.

Ang cremation ceremony ay ginanap sa Tokyo at binahagi sa social media ng mga kaibigan ng celebrity couple.

May mga concerned netizens kung kaninong custody mapupunta ang dalawang anak ng Taiwanese actress.

Ayon sa Takungpao, some legal experts believe Wang is highly likely to be granted custody.

Kanino naman daw mapupunta ang inherit ni Barbie Hsu’s multi-million dollar estate?

Taiwanese actress Barbie Hsu’s assets are expected to be divided between her husband DJ Koo and her two children, in accordance with legal provisions, according to law experts.